Chapter 2
[ Twinkle ]
Huminga ako ng malalim at tiningala ang building na nasa aking harapan. Buenavista Group of Companies. Napalunok ako ng ilang beses para pakalmahin ang aking buong katawan dahil sa kaba. Hindi alam ni Fritz na dito ako magpupunta, ang paalam ko sa kanya ay dadalaw ako sa puntod ng aking mga magulang. Hindi kasi ako mapapalagay hanggat hindi ko nakakausap at nakakaharap ang lalaking mahal na mahal ng bestfriend ko. Iba ang sitwasyon na kakaharapin ni Fritz lalo na at alam kong may malaking galit si Sean dito. Hindi ko maintindihan sina Tito Alaric kung bakit kinailangan nilang sundin ang kagustuhan ni Fritz.. Sa kalagayan niya ngayon natatakot akong masaktan siya at mauwi sa isang atake.. na maaari niyang ikam--------------- Napailing ako sa tinatakbo ng aking isipan. Hindi iyon mangyayari.. hindi ako makakapayag na masaktan siya..
Taas noong naglakad ako papasok ng building. " Good Morning po, Maam." may ngiti sa labing bati sa akin ng isa sa mga security guard na nagbukas na salamin na pintuan sa aking harapan. Bagamat pinagmamasdan nila ako mula ulo hanggang paa dahil sa aking kasuotan na para akong college student dahil tanging maiksing short na maong, white polo shirt at isang itim na chucks ang aking suot.. mistula akong napadpad o naliligaw sa kanilang harapan. Hindi ko naman maiaalis sa kanila iyon dahil sa nakikita ko sa paligid lahat sila pormal, naka pang office attire. At isa pa alangan namang mag office attire gayung ang init init ng klima sa Pilipinas. " Good Morning. "
" Ah, Maam may appointment po ba kayo? Or isa po kayo sa mga istudyante na mag O-OJT di--------------------
Sinasabi ko na nga ba at iyon ang iniisip nila sa akin. Kahit pa nga mataas ako sa pangkaraniwang babae dahil ang aking height ay 5"8 . Madalas pa rin akong mapagkamalang estudyante, hindi ko alam kung bakit basta ang sabi sa akin ng aking mga kaibigan baby face daw ako.. sa edad kong 24 napagkakamalan akong 18 years old. Pero dahil wala akong appointment at biglaan ang aking pagsugod dito minabuti ko ng sakyan ang sinabi ng isang security guard sa akin. Saka na lang ako iisip ng palusot kapag nakarating na ako sa sekretarya ng kumag na lalaking iyon. " A-Ah opo, balak ko pong mag fill up ng form para sa OJT. Saan po ba pwedeng mag--------
"Ay maam, pumunta na lang po kayo doon sa information desk, kunin niyo sa isa sa mga attendants doon ang form. "
" Thank you po. " nakangiting tugon ko sa kanya bago ako naglakad papalapit doon sa itinuro niya. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Marami akong nakikitang naglalakad at iniiwasan ako dahil sa kanilang pagmamadali, nilinga ko ang mga security guard na nasa aking likuran. Nakatalikod ito sa akin at nag uusap. Humarap ako sa information desk at kasalukuyang may tatlong tao doon na nakatayo. Huminga ako ng malalim at naglakad ako ng may pagmamadali patungo sa elevator na nasa kanang bahagi ko lamang. Nakisabay ako sa apat na babaeng nagmamadaling pumasok doon. Halos hindi ako humihinga dahil sa kabang aking nadarama. What now.. ni hindi ko alam kung anong floor ang kinalalagyan ng lalaking iyon. Kung nasaan ang kanyang opisina. Ang tanga tanga ko kasi.. wala akong kaplano pl-------------
BINABASA MO ANG
SOMEONE to OWN (on-hold )
General Fiction" Bakit hindi mo siya makalimutan? Bakit hanggang ngayon, siya pa rin? My goddd, asawa mo ako, pero hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang puso mo!! Pinagpalit ka na niya sa iba, hindi ba? Masaya na siya sa iba hindi ba?!! pero bakit hindi mo siya...