If you will be asked to give LOVE an acronym, what would it be?
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~First Letter...
L - OYALTY
Yeah. Loyalty. Sa isang relationship, importante to. Syempre, sino ba namang ayaw na maging loyal sakanya yung partner niya diba? Kahit di kayo laging nagkikita or magkasama, your heart must remain in him/her.
Second Letter...
O - PEN
Dapat maging open kayo sa isa't-isa. Yung tipong kapag may problema ka sa kanya, sabihin mo. Hindi yung tatahimik ka na lang at sasarilinin yun. At kung meron ka mang napansin sakanya na biglang nagbago, sabihin mo para naman aware siya. At para maayos niya kung ano man ang dapat ayusin.
Third Letter...
V - ALUE
You must learn how to value the things that he/she does for you. Kahit maliit na bagay lang yan. Remember, big things came from those small things. At wag mo ng hintayin yung moment na magsawa siya sa paggawa nung bagay na yun para sayo. Isipin mo na lang na pwede naman niyang gawin yun sa ibang tao pero ikaw yung napili niya, kasi special ka para sakanya.
Fourth & Last Letter...
E - FFORT
x x x Girls x x x
Hindi lang naman lalaki ang nag-eeffort. You can also do it, even in small ways. Because if he loves you, he will appreciate every detail that you do for him to be happy.
x x x Guys x x x
Sa panliligaw, ina-apply at needed talaga 'to. Kahit nga simpleng crush mo pa lang yung girl, gagawa ka na agad ng effort para mapansin ka niya diba? At kapag naging close na kayo at feeling mo, may chance ka sakanya, itatanong mo na kung pwede manligaw. Kapag pumayag si girl, have patience and don't stop doing things you know that could convince her to give you that 'yes' you are waiting for.
AT kapag "kayo" na, sana naman ang effort: padagdag ng padagdag, hindi pabawas ng pabawas. Wag kang makampante dahil nga "kayo" na. Once na sinagot ka na ng 'girl of your dreams', Expect that everyday of your life you would believe that 'dreams can become reality'. Let her feel that she made the right decision, or else that 'dream' of yours could become a 'nightmare' when you lose her.
x x x x x x x x x x x
A/N : If ever na may iba kayong acronym for that 'four letter word', feel free to comment!