Prologue
"Piercings? No. Offense."
"Skirt 2 cm higher above the knee? Too short. Offense."
"Not wearing the proper uniform? Offense."
'Yan lang naman ang paulit-ulit na sinasabi ng isang lalaking palaging nakaabang sa loob ng school gates tuwing umaga habang may hawak na papel na maliit. Sunod naman sa kanya ay isang grupo ng mga estudyanteng nabigyan ng offense forms dahil sa hindi nila pagsunod sa school rules na nakatala sa handbook.
"Incomplete uniform and skirt 2 cm higher above the knee. Offense." Muling sambit ni Alden, ang president ng Shades High.
Sumimangot naman ang babaeng nasa harapan niya at inis na kinuha ang offense form habang busy siya sa pag-aayos ng sarili. "Again. Ugh." Reklamo ni May--Maine Mendoza. 'May' kasi ang naging palayaw sa kanya ng mga kaklase at ito na rin ang naging tawag sa kanya ng mga guro't kapwa estudyante sa campus.
"Kung ayaw mong mabigyan ng offense forms Mendoza, sundin mo ang nakasulat sa handbook." Pananaway ni Alden sa babae habang nagsusulat ito sa log book para sa detention niya mamaya.
"Opo na po, Mr.President. Aish." Sambit ni May. Matapos niyang magsulat ay agad itong tumalikod at umalis.
"Detention after school hours, Mendoza." Paalala ni Alden sa dalaga.
Lumingon sandali si May na nakakunot ang noo at inis na sumagot, "Opo, Presidente! Asar, mal-late na naman ako sa practice mamaya. Quota na naman ako kay Beks."
Dalawang magkaibang tao sa iisang paaralan.
Iisa nga rin ba ang tatahaking landas o ang tadhana na ang gagawa ng paraan para paglihisin ito?
BINABASA MO ANG
(#AlDub)Troublemaker VS President
RomancePaano nga ba mapapainlove ng isang popular(hindi notorious) troublemaker ang striktong male president ng campus?