Chapter 2
Kat
"Katrina, paki labas naman ito sa may poolside." Inabot nya sa akin ang isang tray. Naglalaman ito ng mga breakfast items, kumpleto. May soup, toasted bread with sari-saring palaman on the side, mga hiwa ng prutas at pinapple juice. Hmmmm mukhang health concious ang kakain nito a. Baka kay Ma'am Dianne ito. May pagka-health concious ang mama ni Rafael.
"Sure lola, no problem." Kinuha ko ang tray na inabot sa akin at tinignan ko ang niluluto ni lola. Breakfast pa lang ay nagluluto na sya ng pangtanghalian. Inamoy-amoy ko pa at nag-react na naman ang mga parasites ko sa tiyan!
"La, ipagtira nyo ako nito a." Napangiti sya sa akin.
"Nakahanda na ang lalagyan mo. Alam ko naman na magugustuhan mo yan. Kaya hindi mo na kailangan pang sabihin."
"The best ka talaga lola!"
" Pasensya ka na apo. Hindi ko inaasahan na magkakaroon pala ng family reunion ang pamilya Mendez. Hindi tuloy kita maasikaso, at na-o-obliga pa kitang tulungan kami."
"Ok lang 'yon lola. Masaya akong natutulingan ko kayo kahit sa pag-se-serve lang. Kung kaya ko lang magluto e di sana natulungan ko na kayo. Kaso, baka mademanda pa tayo kapag bumula na ang mga bibig nila!"
Natawa si lola sa sinabi ko.
Matindi naman kasing mag-family reunion ang mga pamilyang ito! Nilulubos-lubos! Mag-iisang linggo na sila dito, at umaga, tanghali, gabi, parang may party! Na-ra-rattle tuloy ang mga kasambahay dito. Syempre, walang pasabi na magsusulputan sila dito tapos ganito pa ang trip ng mga ito. Well, actually, tahimik naman ang pamilya ni Rafael pati ang mga magulang nito. Ang mahilig sa party ay ang mga auntie ni Rafael at ang mga pinsan nya, isama pa ang sosyal na sosyal na fiancee na may bitbit pang entourage, composed of her super sosyal na mga kaibigan na parang nagmamay-ari ng pabrika ng make-up! Pagkagising pa lang kasi para mag-breakfast, parang 5 inches na ang kapal ng mga kolorete sa mukha. Hindi kaya nakasemento na ang make-up sa mukha nila? Hmmmmm.... Baka natatakot na makita ang tunay nilang anyo at maturn off ang mga lalakeng 2nd cousin ni Refael. Speaking of 2nd cousin, may isa sa mga guest na kamukhang-kamukha ni Nicolas! Nagulat nga ako noong una ko syang makita. Naalala kong bigla na si Amour, ang totoong kapatid ni Nicolas ang napangasawa ni Juaquin. No wonder na after centuries after ay may lumabas na kamukha nya. Nakakaloka lang ang pagkakataon, ang kaloka-like naman ni Nicolas ang kaugali noon ni Juaquin. At si Rafael ang kaugali ni Nicolas! Ano bang nangyayari sa world!
Gumuhit na naman ang lungkot sa puso ko nang maalala ko na naman si Juaquin. Pero sinikap ko na hindi ito mapansin ng lola ko ang pagbabago ng mood ko. Ayaw ko nang dagdagan pa ang stress nya. Halos hindi na nga sya magkanda-ugaga sa mga bisita, makikidagdag pa ako sa alalahanin nya. Masyado ko din syang nabigla noong nag-breakdown ako noon bumalik ako galing sa nakaraan. Halos hindi nya malaman ang gagawin nya.
"'wag kang mag-alala apo, dadating na si Atty. Severino at babasahin na nila ang nlalaman ng pinagkatago-tago nilang sulat ng ninuno nila. Bukas ay babalik na sila sa Maynila. At hindi natin alam kung kailan ulit sila babalik. Matatahimik na ang bahay. " Napansin na naman ni lola ang pagbagsak ng mukha ko at na-misinterpret nya ito.
Nginitian ko ang lola ko, sinikap ko na makarating sa mata ko ang ngiting iyon. Ayokong mag-alala si Lola sa akin.
"Lola, wag nyo po akong alalahanin. Moody lang po talaga ako at may pagkalukaret. Wag nyo na lang pong pansinin kung bigla biglang nagbabago ang mood ko. Ganon lang po taoaga ako. Para namang hindi nyo ako kilala."
"Kilala kitang masayahin...."
"At madrama and exaggerated. Kaya nga patok na patok ako sa trabaho ko." Lola, please naman tanggapin nyo nya ang explanation ko kahit pa gaano ka-absurd nito. Nawawalan na ako ng dahilan. Hindi ko naman masabi sa kanya ang kababalaghang nangyari sa akin, baka ipakulong na ako nito sa mental. "pero hindi ako loka-loka." Madiing sinabi ko na ikinangiti na lang ni lola.