Untitled Story Part

30 3 0
                                    

Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako mag kakagusto sa malditang to.

Pero anong nangyari?

Kinain ko ang mga salitang binigkas ko noon. At ngayon minahal ko siyang palihim, tinitignan sa malayo. Kahit maldita ang isang JASMIN ROMERO hindi ko maipagkakait na maganda siya,sexy,maputi at higit sa lahat matalino siya. Mahigit isang taon ko na siyang minahal at sinubaybayan. Pero wala akong lakas na loob para aminin tong naramdaman ko at natatakot akong masaktan at tarayan niya kahit isang FRANKLIN FUENTES na habulin ng mga babae tinarayan niya at binusted. Paano pa kaya ang isang DIETHER JUELE(WILLY) na isang simpleng lalake at joker sa klase

Sigurado akong tatarayan niya lang ako at bubustedin tulad ng ibang lalake

Isang linggo ko pinag isipan kong aaminin ko ba o hindi. Gabi -gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil sa pag iisip







Pabalik balik ako dito sa loob ng classroom namin kinakabahan talaga ako ng sobra sobra. Everything was settled.

Nandito na kami sa labas ng classroom nila Jasmin bag aayos na ako

"Class dismissed"-rinig kong sabi ng guro nila

Lahat yata sila lumabas na pero wala parin siya. Ng biglang may lumapit sakin na isa sa mga kaklase niya

"Kung hinihintay mo si jasmin. Sorry ka nalang wala na siya. Sa pagkakaalam ko ng migrate ang family niya sa US don sila titira"

Nakatulala lang ako dito . nanigas ang buo kong katawan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko

"Bro. Ok lang yan. Madami pang iba."-Victor isa sa mga kaklase ko.

Pinahid ko na ang mga luhang kanina pa nag sila basan.

Tama nga sila sa HULI ANG PAGSISI

Talaga ngang mapaglaro ang tadhana.

"THE END"

SECRETLY INLOVE IN MALDITA(one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon