It's called BREAK-UP because it's BROKEN.
Napangiwi ako nang mabasa ang isang Facebook status habang nagba-browse ako sa newsfeed ko. Pati ba naman dito sinusundan ako ng alaala ng araw na 'yon?
More than one month na rin.
Akalain mong kaya ko pala? Kaya ko palang maging single. Medyo nakalimutan ko na rin ang buhay na uhaw sa lovelife mula nang naging kami ni Rafael pero naka-adjust din naman ako ngayon kahit papa'no.
Wala na rin sigurong pag-asa.
Ginawa ko naman ang lahat. Hanggang do'n na lang yata talaga kami ni Rafael. Nakakapanghinayang nga lang at 'tsaka ko lang naalala na that day we broke up was just a week before our 5th year anniversary sana. It was sad. No, it was devastating but I knew I must accept it, so I did. I am trying.
Naubos ko na rin naman yata ang natitira pang luha na kaya kong ilabas. Hindi na rin naman kasing-grabe ng inaasahan ko. Siguro, nailabas ko na kasi nung halos gabi-gabi akong umiiyak mula nga ng nagbago ang kwento namin ni Rafael. Kumbaga, may nauna nang mga installments kaya nitong huli, parang mga huling patak na lang.
I hit LIKE sa status tapos nagbrowse down ulit. Wala namang mga bagong pangyayari sa newsfeed ko. Ngayon ko lang napalitan ang profile picture ko mula sa picture namin together ni Raf hanggang heto nga, solo pic ko na nakangiti. Akala mo walang pinagdaanang lungkot.
Sabay ng pagpalit ko ng DP ay ang pag-change ko ng status from In a relationship to It's complicated.
Hay!
Nang makaisip maglog-out, lumabas na ako ng kwarto ko.
***
"Paul, kung mawawala na ako rito, mamimiss mo kaya ako?"
Nakatambay kami sa isang bench sa basketball court isang gabi. Madalas nanaman ang buong tropa rito at ini-enjoy ang summer. Maalinsangan ang panahon kahit alas nueve na ng gabi kaya naman hindi pa ako pumapasok sa loob. Pareho lang naman, hindi ako makakatulog at mukhang pati ang electric fan sa kwarto ko, hirap na hirap mag-produce ng preskong hangin.
Lumingon ito at natawa. "Bakit, mamamatay ka na ba?"
Hinampas ko nga ng hawak kong folded fan. "Tarantado! Sobra ka naman."
"Bakit nga kasi nagda-drama ka? Baka magsi-suicide ka? Hindi mo ba matanggap na wala na kayo ni Rafael?"
"Sige, ipaalala mo pa," nakasimangot kong tugon.
Sumeryoso namang hinarap ako ni Paul. "Bakit nga, ano'ng problema?"
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "May plano kasi sina Mama na lumipat na kaming lahat sa Manila."
"Seryoso? Kelan?"
"Do'n na kami magi-enroll this coming school year."
Natahimik naman si Paul at hindi na muna sumagot. Nalungkot yata sa balita ko.
"Lahat ba kayo? Pati sina Lex?" kapagdaka'y usisa nito. Tumango ako. "Hindi ba pwedeng 'wag na silang umalis. Kahit ikaw na lang?"
"Gago! Sobra ka!"
Natatawang hinarangan nito ang ulo niyang babatukan ko sana.
"Ang sama mo, Boots!"
"Joke lang. Biglaan naman kasi. Kelan alis niyo?"
"Basta soon. Bago mag-enrolment siyempre. Naghahanap na sina Ate ng bagong school kung saan kami magta-transfer. Kaloka nga eh!"
"Eh pa'no na 'yang bahay niyo rito?"
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
RomanceA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...