Kinasa ko ang aking baril at itinutok sakanya. I did'nt expect na darating ang araw na ito. Ang araw na maghaharap kaming dalawa.
"After all this years.. akalain mo nga namang dito pa tayo magkikita kaibigan. At hindi ko din inakala na hanggang ngayon buhay ka pa. Ilang tao na ang ipinadala ko para iligpit ka. Ngunit, sadyang totoo nga yata na matagal mamatay ang masamang damo. Ano sa tingin mo?"
Mapangutyang sabi niya.
"Well.. tignan natin."
Agad ko siyang pinaulanan ng bala. Sapat para sa labin-limang taong nasayang ng dahil sa kahibangan ng taong ito.
"Hindi ka parin nagbabago."
Gumanti naman siya at pinaulanan din ako. Nagtago ako sa isang tangke na nandito sa abandonadong gusaling ito. Naglabas ako ng isang Molotov cocktail.
"Oras na para tapusin ang laro Miguel!"
Tumalon ako sa bintana kasababy ng paghagis ko ng granada sa direksyon niya. Siguro nga tama siya. Sa loob ng 15 years nag pakaduwag ako. Mas pinili ko pang magtago kaysa hanapin ang aking pamilya. Pero sa loob din ng 15 taon. Nabuhay ang bagong ako. Kinikilala, kinakatakutan, at nirerespeto. Mula sa dito sa pinagbagsakan ko, kitang-kita ko ang pagliyab ng abandunadong gusali.
"Sir, is it true that Mr. Lim is the mastermind of the plane accident that killed your family 15 years ago?"
"Sir ano pong masasabi niyo na isang malaking sindikato ang nagplano upang patayin ang inyong pamilya?
"Ano pong masasabi niyo tungkol sa usap-usapang dahil sa negosyo di umano kaya pinatay ang pamilya niyo?"
Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa aking sasakyan. Masyado akong napagod ngayong araw na ito.
'Mahal ko.. tapos na. Pwede ka ng magpahinga.'
Agad akong sumakay sa kotse ko matapos ko sabihin ang mga bagay na iyon.
YOU ARE READING
My Gangster Girlfriend
HumorYassie Gail Harlequin is a typical highschool girl. The "walang paki" person of Reefside Academy. What will happen if this Gangster-girl meet the Campus Super Star, Sky Fortiana? Would it be a lovestory afterwards? Or a clash between them? Well.. Le...