Heartstrings [EXTENDED last chapters]

19.8K 171 41
                                    

A/N: Continuation for Heartstrings fan-fic. Meron palang maximun chapters per books at dahil sa haba umabot na sa 100 chapters. Ito yung continuation non. Btw, edit ko pa naman problema ko na yon kung pano sila ipagsasama.

Happy Reading!

----------------------------------------------

Heartstrings

Kathryn’s POV:

Excited akong pumasok ngayong araw kasi makikita ko na naman ulit si Gino. Ewan ko ba, basta natutuwa lang ako’t magkasama na kami sa iisang university kahit na sa panandaliaan lang. At least ngayon alam kong meron na akong makakasama bukod kay Nicole. Alam niyo naman na ako yung tipo ng taong kikibuin ka lang kapag alam kong kikibuin mo din ako.

Katulad pa din ng dati ang bike ko ang service ko papunta sa school.

“… good morning manong!...” pinagbuksan niya ako agad ng gate at nagpedal na apapasok sa loob. Katulad pa din ng dati sa tabi ng puno ko pinaparada yung ‘bike’ ko. Pagkatapaos lagyan ng podlock naglakad na ako papasok sa loob.

Puno na naman ang hallway ng mga studyante na paroon at parito.

Lakad dito lakad doon.

Kwentuhan dito, kwentuhan don.

Ganon ang buhay estudyante araw-araw.

Nagdaan muna ako sa locker ko para kunin yung mga books na gagamitin ko ngayong umaga.

“…. Nakita niyo na ba yung exchange student?...”

Nagkumpol-kumpol ang mga ito sa gilid.

Nagtilian.

“… ang gwapo noh? Sabi ko na sa inyo e ayaw niyong maniwala sakin….”

“… Oo, na naniniwala na kami sayo. Kitang-kita namana kaya ang ebidensya… ang gwapo friend…” nagtilian ulit ang mga ito.

Si Gino ang pinaguusapan nilang lahat.

“… Gosh, anong year na ba siya?...” hanggang sa mapunta na sa kung anu-ano ang pinaguusapan nila. Nakakaramdam na ako na dapat na akong umalis bago pa mapunta ang topic nila sa student buddy ng exchange student.

“… wait guys meron nab a kayong idea kung sinong lucky person ang magiging student buddy niya?...” natahimik silang lahat.

Natigilan ako bigla.

Ito na nga yung sinasabi ko e.

Yung ‘topic’ na iniiwasan kong marinig mula sa grupo nila.

Binilisan ko na sa pagkuha ng libro hanggang sa kunin ko na nga ng mabitawan ko sa paghahaadaling maka-alis.

Libro at ballpwn na nagkalat sa sahig.

Hindi magandang sinyales.

Ng dadamputin ko na para kunin merong kamay na kumuha sa libro ko.

Sinundan ko agad ito hanggang sa makita ang mukha ni Gino.

“… ako na Kath…” sabi nito habang pinupulot yung mga gamit ko sa baba.

Wala ana akong nagawa kundi titigan siya.

Nakaramdam ako ng nerbyos ng lingunin ko ang mga babaeng nagkwekwentuhan tungkol don sa ‘exchange student’

Napalunok na lang ako.

“… Diba siya yon?...” may tumuro kay Gino.

Dahil sa sinabi niya lahat ng atensyon ngayon na sa aming dalawa. Este na kay Gino pala lahat.

Heartstrings:EXTENDED [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon