Si Selena Martinez,kilala ng lahat bilang isang weirdong babae dahil sa kanyang mga kilos o pinaggagagawa,mandalas kasi syang nakikitang kinakausap ang kanyang sarili at tumatawa ng magisa,minsan ay balisa rin ito na parang may nagmamatyag sa kanya. Kakatransfer lang nya sa Ramon Avanceña National High School o mas kilala bilang RANHS,ngunit nakilala na sya ng lahat,bagamat isang tahimik at simpleng dalaga ay may tinatago itong sikreto,sikretong hindi nya alam kung makakabuti ba o makakasama.Isang araw may nakakitang lumulutang sa eri si Selena at para bang sinasakal ito,madami ang nahabag sa balitang iyon,kapag may nakakita sa kanya ay lumalayo agad ang mga ito ang iba naman ay nagtatago para bang may nakakahawang,malubhang sakit ito.Dumaan ang mga araw ay wala paring nagbago sa pakikitungo nila sa dalaga,bagamat nasasaktan sa mga pangyayari sa kanyang buhay ay pilit paring pinapatatag ng dalaga ang kanyang sarili.Isang araw habang kumakain si Selena sa likod ng iskwelahan magisa,ay may lumapit sa kanyang babae upang makipagkaibigan,at sya ay si Zyra o mas kilala ng lahat bilang Zyrus,isa itong napakasiglang dalaga,mabait,matalino at matulungin kaya marami ang mga nakikipagkaibigan dito.Nagulat naman si Selena sa ginawa ni Zyrus,hindi sya makapaniwala na sa ilang buwang pamamalagi nito sa paaralang kanyang nilipatan ay sa wakas mayroon ding tao namakakatanggap sa kanya sa kabila ng mga narinig nito.Hindi na pinalampas ng dalaga ang pagkakataon at tinanggap nya ang pakikipagkaibigan ni Zyrus.Dumaan ang mga araw at buwan ay mas naging malapit ang dalawa palagi na silang sabay kumain kapag recess,nagkwekwentuhan sa kanilang mga personalidad at nag-aaral,hindi rin maipagkakaila ang pagkagulat sa iba paano ba naman kasi ang isang weirdong babae na binansagan ng iba bilang isang bruha o mangkukulam ay may naglakas loob makipagkaibigan at si Zyrus pa.Sa parte naman ni Zyrus ay hindi nya tanggap ang mga pinagsasabi ng iba sa kanyang kaibigan,minsan nga ay sinisiraan ng iba si Selena kay Zyrus ngunit wala talagang makakapagsira sa dalawa,pinagbantaan din minsan si Zyrus ng ilan nyang mga kaibigan na kapag hindi sya titigil sa pakikipagkaibigan kay Selena ay sila na ang puputol sa ugnayan nila kay Zyrus,nalungkot si Zyrus sa nangyari at nagdalawang isip kung anong gagawin at huli ay napagdesisyunan nya na piliin si Selena dahil ang tunay na pagkakaibigan ay nagdadamayan,tanggap ang isa't isa at nirerespito ang desisyon ng bawat isa.Nalaman din ni Selena ang mga pangyayari masaya sya ngunit malungkot din,masaya sya dahil nakatagpo sya ng tunay na kaibigan at malungkot dahil sa nangyari sa nagiisang taong tumanggap sa kanya kahit sabihin pa ni Zyrus na wala syang kasalanan ay hindi parin mawala sa isip nya na isa parin sya sa dahilan.
Sa kabilang banda naman ay may pinaplano ang mga dating kaibigan ni Zyrus sa kanya,sa totoo lang kasi ay ginagamit lang nila si Zyrus hindi nila ito itinuring na kaibigan.Pinakikisamahan lang nila ito dahil sa sikat ito at kung makikipagkaibigan sila dito ay magiging sikat din sila.
"Selena,o Selena"-nagtaasan ang mga balahibo sa kamay ni Selena ng marinig ang isang malambig ngunit nakakapangilabot na tinig ng babae.Nagpaparamdam na naman ito sa kanya."Selena,natatakot kaba hahahaha"-nakakatakot,nakakapangilabot ang boses at pagtawa ng babaeng yon.Mabilis na tumakbo si Selena papunta sa mga matataong lugar ngunit hindi parin sya nilulubayan ng tinig ng babaeng iyon,hanggang sa pumasok sya sa classroom nila at walang tao doon,dahil kakatapos lang ng pangumagahang klase nila.Isiniksik nya ang sarili sa ilalim nya mesa at niyakap ang tuhod habang umiiyak."Hahaha sa tingin mo makakatago ka,mapapasakin ka din hahaha"-natatakot na talaga si Selena,ayaw nya na talaga."Tama na,please ayoko na talaga,tama na"-pakiusap nya habang humihikbi at tinatakpan ang tenga gamit ang dalawang kamay.Hindi parin tumigil ang babae hanggang sa may humawak sa balikat nya,"WAAAAAAAAAAAHHHHHHH! Tama na,please tama na "-napasigaw sa gulat si Selana habang nakapikit ang mata,patuloy parin sya sa pagsigaw hanggang naramdaman nya nalang na may tumatawag sa pangalan nya at yumuyugyug sa balikat nya pagbukas nya ng mga mata ay agad syang napayakap sa taong nasa harapan nya.Inalalayan sya nitong maupo at mabuti nalang wala na ang boses ng babae kanina.Nang makainom na ito ng tubig ay tinanong sya agad ni Zyrus kung anong nangyari sa kanya habang inaayos ang buhok nya."Anong nangyari,but ka sumisigaw kanina"-puno ng pagaalalang tanong ni Zyrus sa kaibigan,napaiwas naman ng tingin si Selena at pilit na iniiwas ang mga matang nagtatanong na kaibigan "Selena come on tell me"-nagsusumamong pakiusap ni Zyrus,malalim na napabuntung hininga si Selana at sinagot ang kaibigan na wala"Anong wala,Selana you were shouting kanina,sinasabi mong tama na,sabihin mo nga sakin wala ba yon"-nakonsensya naman si Selana dahil sa paglilihim sa kaibigan ngunit nagmatigas parin sya ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila dahil sa isang sikretong matagal nya ng tinatago."Selena sabihin mo sakin kung anong problema mo,kaibigan mo ako and you can trust me"-naluluhang pakiusap ni Zyrus sa kanya."Pasensyana Zyrus pero sa ngayon hindi ko pa masasabi sa iyo,kaya sana maintindihan mo"-pagpapaliwang ni Selana sa kaibigan,pilit naman napangiti si Zyrus alam naman nya ang limitasyon nya kaya iintindihin nyo muna sa ngayon ang kaibigan."Okay,pero kung ready ka na ha! you'll tell me"-pagbabsigla ni Zyrus sa kaibigan"Okay I promise"-Selena,ngumiti sa kanya si Zyrus,"Tara na kain na tayo,gutom na ako eh,nagaaway na ang mga anaconda ko sa tyan"-napatawa naman si Selena sa sinabi ng kaibigan,didiretso sana sila sa likod ng paaralan ngunit natakot si Selena at napansin naman iyon ni Zyrus,"bakit?"-Zyrus "ah! wala naman naisip ko lang kumain kaya tayo sa ibang lugar naman,lagi nalang kasi tayong sa likod ng school kumakain"-Selena,napatango naman ang kaibigan at sa ibang lugar na nga silang kumain.