Tanga-tangahan

240 2 0
                                    

Ang TANGA-TANGAHAN ay isang laro

Na kung saan tila lahat nananalo

Wala pa sigurong natatalo sa larong ito

Sapagkat lahat silay gustong manalo

Nasubukan ko na ring mag-laro sa larong yan

Syempre ang paborito ko kayang laro ay TANGA-TANGAHAN

Mahirap maglaro sa larong ganyan

Maraming luha kang masasayang

Kesyo hindi daw niya ako mahal kasi gusto niya ay iba...

Ano ba! Pwede ba? Tigil muna?

Pagkat ako'y nalilito sa mga pangyayaring ito...

Na kung bakit siya pa ang pinili mo...

Mangkalipas ng ilang linggo

Nakita ko si mahal sa isang dako

Umiiyak at humahagulhol pa ito

Sa kanya'y lumapit ako at nalaman koy siya pala'y niloko

Tama talaga ang hinala ko

Si gaga ay niloko lang ang lalaking mahal ko

Siguro may nahanap na iba

At dun piniling mag-pakatanga

"Pwede ba tayo na lang ULET" yan ang sabi niya

Ako namang si TANGA sumang-ayon sa kanya

Naniniwala pa rin ako na ako'y mahal niya

TANGA nga diba ano bang inaasahan niyo ha?!

Hindi pa lumilipas ang isang linggo

Ako'y iniwan nang taong mahal ko

Siguro bumalik dun sa gaga

At dun ULET nag-papakatanga

Ako'y iniwan niya sa ere

umiyak ako ng tudo mga dre

Ang hirap talaga ng larong TANGA-TANGAHAN

Hindi lahat napag-bibigyan (T-T)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanga-tangahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon