Chapter 38

8 0 0
                                        

by: elsipi-are

Napanganga ako sa ganda ng tanawin na nasa harapan namin ngayon ni Drik.

Kitang kita ang over view ng metro manila at ang liwanag nito sa sobrang dilim na gabi.

Isa syang open space kung saan pwede mo ipark ang kotse mo. Hindi pa ko nakakapunta dito pero sa naririnig ko eh madami laging tao dito ngunit ngayon ay dalawa lang kami dito. Malamang ay nirentahan ng mokong na to ang buong lugar.
(AN: sa mga di po nakakaalam yung dinidescribe ko dito yung sa may sumulong high way na over looking parking space. Sarap magchill dun wala mangingilam sayo. Haha)

"Hindi ko alam na may ganito pala dito. Sobra ganda talaga." sabay lingon ko kay Drik na nakasandal din sa likod ng kotse nya.

"Nagustuhan mo ba Kamote?" Malambing nitong tugon sakin.

"Oo naman sobra" pagkatapos nun ay naramdaman ko ang paghawak ni Drik sa kamay ko.

Napabaling bigla ang atensyon ko sa kamay ko na hawak-hawak na nya. Kakaiba ang init na dulot nito sa palad ko na kanina pa nilalamig dahil na din siguro malamig na simoy ng hangin sa lugar na ito.

"Masaya ako na andito ka at kasama ko." marahan nya pang pinisil ang kamay ko.

"Mukang nilalamig ka. Teka kukunin ko yung extra jacket na dala ko." at agad nyang kinuha iyon sa likod ng kotse nya habang magkahawak pa din ang aming mga kamay.

Habang sinusuot nya sakin ang makapal na jacket na may hood na de zipper sa gitna ay di ko maiwasan ang mapangiti.

Di dahil sa kinikilig ako kundi sa pag aalaga nya sakin na para ba akong prinsesa.

"Ayan di ka na lalamigin." sabay sandal ulit nito sa likod ng kotse nya.

Matagal kaming nasa ganung posisyon. Dinadama ang katahimikan ng paligid, ang masarap na simoy ng hangin at ang magandang tanawin na nasa harapan namin.

"Masaya ka ba?" pagpuputol nito sa katahimikang namamayani saming dalawa.

"Saan?"

"Sa ganito, pagkasama mo ko."

Napatigil ako saglit pagkatapos ay isinukbit ang magkabilang kamay ko sa magkabilang bulsa ng jacket na sinuot sakin ni Drik.

Iginalaw galaw ko ang kamay ko sa loob nito at pagkatapos ay may nasagi ako na matigas na bagay.

Kinuha ko bagay na iyon at isang maliit na kahon ang tumambad saakin.

"Para sayo yan. Regalo ko." napalingon ako kay Drik ng magsalita sya.

Binuksan ko ang kahon ngunit hindi ko masyado maaninag ang laman nito. Kaya naisipan kong ilabas ito mula sa kinalalagyan nya.

Nang tumambad sa harapan ko ang bagay na iyon ay biglang nagliwanag ang paligid. Napalibutan kami ng magagandang ilaw na parang pinasadya ang pagkaka ayos sa sahig at sa may itaas namin.

Narinig ko din ang malumanay na pag violin mula sa may gilid namin. Kung di ako nagkakamali ay Change the world ni Eric Clapton  ang tinutugtog nila.

"Drik..." mahina kong banggit sa pangalan nya.

Humarap sya sakin at kinuha sa kamay ko ang gintong kwintas na may maliit na medalyon na nagsisilbing key chain nya.

Dahan-dahan nyang hinawi ang buhok ko at isinuot iyon sa leeg ko.

"Alam mo ba na pinakatago-tago ni mommy ang kwintas na to? Iniregalo daw sakanya yan ng namayapa kong lola nung 18th birthday nya.

Galing pa daw to sa Vatican at sinadya pa daw talaga ng lola ko yan dun at nung mga panahon daw na yun. Nabless daw yan ng mga Pari dun.

Proteksyon daw to sa panganib at pangangalagaan ka nya kahit saang bagay.

Kaya sobra special kay mommy to. Sabi din nya sakin ibigay ko daw to sa babaeng mamahalin ko.

At ikaw yun baby."

Nang matapos na nya isuot saakin iyon ay hinawakan nya ako sa magkabila kong pisngi.

"Lyka gusto ko maging parte ng buhay mo. Wala akong hindi gagawin para sayo. Kaya kung papagayan moko gusto ko sana magsimula ulit tayo. At kalimutan na natin ang nakaraan." sa pagkakataong ito ay nagtama na ang aming mga mata.

"Please be my girlfriend Lyka." nanatili akong nakatitig sakanya.

Alam kong nag aantay sya sa isasagot ko sakanya. Kaya nginitian ko sya bago pa man ako magsalita.

"Ikaw lang naman inaantay ko."

Isang mahigpit na yakap ang ginawad nya sakin at ganun din naman ang ginanti ko sakanya.

"Thank you baby. Hindi mo alam kung ganu ako kasaya ngayon."

Nang kumalas sya sa pagkakayakap sakin ay alam ko na ang susunod nyang gagawin. Kaya dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at dinama ang halik na ginawad nya sakin. Isa iyong halik na panu ng tamis at pagmamahal.

At nang maidilat ko ang mga mata ko ay muli kaming nagyakap.

+++++

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon