Kabanata Apat

1.7K 54 1
                                    

Kabanata Apat

Isang linggo na ang nakalipas magmula ng buhusan ko ng tubig si Thadeus sa harap ng maraming tao, at isang linggo na ring nasa impyerno ang buhay ko sa school. Ten times ata ng pagiging bully ni Kyle si Thadeus. Hawak niya sa leeg halos lahat ng tao sa school. Kaya kahit wala siya sa paligid, nadidisgrasya ako ng "planado" na alam kong siya ang nasa likod nito.

Akala ko makabubuti na ipagtanggol ang sarili ko. Kaso hindi pala. I made a wrong decision.

Merong habang naglalakad ako, hindi ko mapapansin na may aangat na lubid at doon ako ay mapapatid. Nadapa ako. And because of that, I again entertained them.

***

Sinusundan ko ng tingin ang paggalaw ng DSLR camera ni Travis, na nakatutok sa legs ng mga kaklase kong babae.

Napakamanyak niya!

Bago ang lahat, baka nagtataka kayo kung sino siya. Siya po ang isa sa anim na Kulupong Boyz kung tawagin ko. Uh-huh, alam ko na ang pangalan ng anim na lalaking iyon. Nag-research ako something about them. Yung pinaka-basic lang naman. Yung full names nila. Susunud-sunurin ko ah. Kung sino sa kanila ang pinakaunang nakilala ko.

Thadeus Rivas

Travis Spencer

Zayden Harris Armundo

Brett Wilson Sebastian

Shiloh Austria

John Alfie Lopez

Yan lang ang alam ko. Kaya tara, balik sa istorya.

Nung dumaan ang camera sa'kin ni Travis, natigilan siya. Pagkaraan ay nag-angat ng tingin sa akin. Nagtaka siya kung bakit walang legs na naka-expose.

Di tulad sa mga kaklase kong babae na ang shorts ay pangbabae, panglalake ang suot kong shorts. Ito talaga ang pinili ko dahil hindi ako komportable sa shorts na para sa babae. Kung jogging pants nalang sana diba edi masaya.

Pinagtawanan ako ni Travis sabay sabing, "Nice wear, dude!"

Nginiwian ko lang siya.

Naka-PE Uniform rin siya. Katatapos lang nila mag-PE nang dumating kami dito.

Kumaway sa'kin si Travis bago umalis. Nang mawala na siya sa paningin ko, doon ko napagtanto na ang daming nakatingin saa'kin. At dahil sa ginawang pagpansin sa'kin ni Travis ay ang sasama ng tingin sa'kin ng mga babae.

Ayun lang nagagalit na agad sila?

Mayamaya lang nag-announce na ang PE teacher namin ng "position" dahil magsisimula na ang laro namin ng dodge ball. Boys VS. Girls.

First round, nasa aming girls ang bola. Kami ang mauunang mangbato dahil ladies first daw.

Prrt! Pumito na ang guro at nagsimula ng mangbato ng bola ang mga babae. So far, ako ang madalas na nakakatama ng bola sa mga lalaki. At ang mga lalaking natatamaan ko, mga hindi sports. Nagagalit.

Kapag yung maganda ang nakatama sa kanila, ngingiti sila at magsasabing:

Okay lang!

Naku, wala 'yon!

Sus. Daplis lang.

Pero kapag ako, halos magmura na sila sa galit. Yung totoo?

Turn na ng boys. Pagka-pito na pagka-pito ng guro nila, ako agad ang binato ng bola. Mabuti nalang at mabilis akong umilag.

Ako ulit.

Ako na naman.

Ako at ako ulit na naman ang binabato ng bola. Ako ang traget nila. Kung hindi lang ako magaling umiwas, baka kanina pa sya nakatayo sa gilid kasama ng mga babaeng aksidenteng natamaan.

Aksidente dahil hindi naman talaga sila ang pakay na tamaan, kundi ako. Sila lang ang natatamaan dahil kapag umiiwas ako, sa kanila dumi-diretso ang bola na dapat ay para talaga sa'kin.

"Shoot!" malakas at tuwang-tuwang sigaw ni Kyle na talagang nag-echo sa buong gymnasium. Sumapul kasi sakto sa mukha ko ang bolang binato niya.

"Ang daya! Ako palagi binabato nyo!" reklamo ko.

"Ang pangit-pangit mo kasi!" pasigaw na sagot ni Kyle.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng galit sa'kin ng lalaking iyon. Ganun na ba siya kairita sa mukha ko para magalit sakin kahit na wala akong ginagawang masama sa kanya?

***

"Ikaw na mauna, HyoRin," nakangiting offer ni Danica na halata namang plastik. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ko alam at wala na akong paki.

Lagkit na lagkit na ako sa pawis at gustung-gusto ko ng maligo.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

Plastik na ngiti ang pinakawalan niya. Hindi na ako nagulat.

Sinampay ko sa pinto ng cubicle ang susuotin kong damit bago ako naghubad. Binuksan ko ang shower at nagsimula ng maligo.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, lumabas na ako ng cubicle. Nagpunta ako sa counter at nilapag doon ang bag ko para ipasok ang nakatupi kong PE uniform. Pagsara ko ng zipper saka lang ako may napansin.

May... may insekto sa damit ko!

Napatalon ako, napaaray at napasigaw. Namilog ang mga mata ko nang may makuhang malaking langgam sa shirt ko.

Napatili na naman ako habang kung anu-anong ginagawa sa damit ko para maalis ang langgam. Hanggang sa naisipan kong tanggalin muna ang damit ko para pagpagan.

"Ang dami," nasabi ko nalang nung baliktarin ko ang damit. Ang daming langgam.

"Say hi to the camera, HyoRin!"

Nagulat ako sa paglitaw ni Danica. Kasama niya ang apat pa niyang mga kaibigan. Nakaangat ang cellphone niya na halatang kinukunan ako ng video.

"Danica, a-ano 'yang ginagawa mo?" Hinarang ko ang damit para takpan ang katawan ko.

Isang tawang mapang-insulto ang sinagot niya, na ginaya ng mga kaibigan niya.

"Girls," sinenyasan niya ang apat.

Lumapit sila sa'kin at pilit na kinukuha ang damit ko na pinangtatakip ko so that my top would be seen on the camera.

"Tanggalin mo na 'yan. Sisikat ka sa media, promise."

"Wala akong pake! Ano ba!"

Nagsimula na akong maiyak. This is too much. Sobra sobra na ang pamamahiyang ginagawa nila sa'kin. Kinukunan nila ako ng video tapos ia-upload nila para ano? Para bastusin ako ng lahat?

Parents ko ang agad na inalala ko nang maisip na ipakakalat nila ang magiging video.

"Ano ba, tama na! Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah!" sigaw ko sa kabila ng paghagulgol.

Natigilan ang isa, nakonsensya, natauhan. Pero hindi ang mga natira lalo na si Danica na tuwang tuwa sa pagkuha ng video.

"Hindi niyo ba siya narinig? Diba sabi niya tama na?"

Natulala ako maging ang mga maldita. Dumating ang taong hindi ko inaasahang makikita ko sa pagkakataong ito.

@HyoRinLuvStar: How ironic it is that the bully of your life can be your savior from other bullies.

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon