So yeah!! I came up with a cleaner and better version for this story cos alot of readers keep on coming so I'll go and make it better and more comfortable to read.
+ Sad Song by Baek A Yeon
+ alam niyo ba yung feeling na masaktan? na maiwanan sa ere? na paasahin sa wala? na mafriendzone?
———————————-————
Bakit nga ba sa dinami-raming lalaki, sayo pa natanga at nahulog? Diba? At sa dinami-raming babaeng pwedeng lokohin, bakit ako pa tadhana? Pag mukhain nang masama pero maraming babaeng nagsasayang lang ng pag ibig na pwedeng tamaan ng gantong karma, ako pa yung tinablan e no?At sa lahat ng pagkakataong ibibigay, bakit sa unang beses pa na nagmahal na talaga ako ng totoo. Yung walang halong script at edit.
Nasanay nga siguro akong loko lokohin sa mga script na naibibigay sakin ng mga taong nakapaligid sakin, pero oras naman na siguro para makuha ko na yung tamang papel ko sa buhay ng isang tao hindi ba?
True Love doesn't need to have a reason why, It just came when the time wants it to.
Di ko na nga siguro napapansin na matagal mo na akong linoloko. Hindi lang pala linoloko,pinapaasa pa. Ang tanga ko din kasi e. Ang tanga tanga mo Driana .Ang tanga tanga mo.
Di ko namalayang lumuluha nanaman pala ako. Luha nanaman no?
Magsasayang nanaman ako ng luha.
Mga luhang hindi naman worth it. Mga luhang wala namang pinapatunguhan.
Magsasayang nanaman ako ng oras.
Oras na hindi man niya minsan naibigay sakin. Oras na hiningi ko nabigay sa iba.
Magsasayang nanaman ako ng pagod.
Pagod na lumuha at magsayang ng oras. Ang dalawang mahalaga saakin pero hindi para sakanya.
Magsasayang nanaman ako ng mga bagay na hindi mo minsan nabigay sakin.
Sorry. Tinamaan na ako e.
Bakit ba kasi ikaw pa ang napunta sa mga kamay ko? Bakit ikaw pa yung sumalo nung panahon na gusto ko ng taong maiiyakan?
Alam mo kasi ang pag ibig, parang kadena yan. Minsan, may pagkakataong mahal ka niya, babalikan ka niya para mapakawalan at magsama. Minsan naman, tuluyan ka nang pinakawalan. At mas masakit yung iniwan ka'ng nakabalot sa kadena ng pag ibig. Na akala mo siya yung susi na magpapalaya sayo sa sakit na nadadama mo, pero hindi, siya pala yung susing magbubukas ng puso. Kaso hindi sayo, sa iba. Dahil hindi ka nga mahalaga.
Totoo nga siguro na ang babae, pag maysakit na nadarama,at kahit saglit mo lang mabigyan ng pansin, madali siyang mahuhulog sayo.At unti unting aasa na lagi kang nandiyan para sakanya.
Na lagi ka niyang pwedeng yakapin..
Na lagi ka niya pwedeng iyakan...
Na lagi ka niya pwedeng takbuhan..
Na sa kahit anong oras, mamahalin ka niya. Na isang napakalapit na kaibigan. Napakalapit na kaibigan o napakapait na pagkakaibigan?
Nasan ka na ba kupido? Bakit mo hinayaang ako lang yung tinamaan ng pana mo?
Bakit hinayaan mong magisa lang ako sa lagay nato? Bakit kupido? Ito ba yung nakatadhana sakin?
Na lagi nalang akong sasaktan? Na lagi nalang ako yung magpapakasakit para sa taong mahal ko? Na hindi naman ako mahal? Na nagpapaasa lang sakin? Na sinasaktan ako kahit wala naman siyang gawing mali?
BINABASA MO ANG
Umasa Nanaman Ako
Short StoryHighest Rank : #2 in Short Story Lowest Rank : #925 in Short Story Kiss that will change everything. A kiss that will bring back all the bad memories. Ayokong saktan ka pero eto yung makabubuti sating dalawa. Mahal na mahal kita Gold. Dreams Series...