Him.

49 4 0
                                    


   Bakit may mga taong napaka hirap abutin? Alam mo yun? Yung tipong.... Nanjan lang sya. Katabi mo lang. Kasama mo lang. Kaharap mo lang, pero pakiramdam mo napakalayo nila. Sabi nga nila, So close, yet so far. 





Isa lang sya sa bilyung-bilyong lalaki sa mundo. Isa lang sya sa mga milyung-milyong lalaking gwapo sa mundo. Isa lang sya sa mga milyung-milyong talented na lalaki sa mundo. Isa lang sya sa mga lalaking kumukuha ng Business Administration sa Paramount University. 



Pero..





Nag iisa lang sya. Nag iisa lang syang lalaki na gusto ko. 





Nag iisa na nga lang syang gusto ko bakit hindi ko pa makuha? Eh yung iba nga... Andami dami nilang gustong lalaki tapos nakukuha pa nila yun lahat. Eh bakit ako? Bakit ako isa lang naman hinihingi ko... Hindi pa ako mapag bigyan?  




Hindi naman sya artista. Hindi naman sya sobrang gwapo. Hindi naman sya sobrang talented. Hindi naman sya sobrang yaman. Hindi naman sya sobrang talino. Hindi naman sya sobrang sikat. Hindi naman sya anak ng Presidente. Kung tutuusin isa lang naman syang simple na estudyante na pakalat-kalat lang dyan sa kung saan. May nag kakagusto rin sakanya sigurado ako, pero hindi naman sobrang dami. Siguro sa sampu may isa dun may gusto sakanya. 




Haayy nako Aaron Zylen Flores. Kelan ba kita maaabot? Ang tangkad mo naman kasi eh. 






In-add ko sya. Sa unang pag kakataon nag karoon ako ng lakas ng loob i-add sya. Oo, tama. I-add sya. Hindi naman aabot sa limang-libo yung friends nya sa facebook dahil kagaya nga ng sabi ko, hindi sya famous. Kaya sa awa ng Diyos, na-add ko sya. 



Hindi naka private yung profile nya kaya nakikita mo parin yung ibang post nya. Kagaya ng pictures and everything. Syempre, dahil crush mo sya, normal lang na tignan mo lahat ng pictures nya. Ang cute nya talaga. 



Habang tinitignan ko yung mga litrato nya, natutuwa ako at the same time nalulungkot. Kasi mas nararamdaman ko na hanggang dito lang talaga ako. Patingin-tingin, pastalk-stalk, pangiti-ngiti. Dun lang. Hanggang dun nalang talaga... May tinatawag sila sa ganito eh... Ano nga ba ulit yun? Hopeless romantic? Oo nga tama, Hopeless romantic. I'm Hopeless, pero atleast romantic.




Lumipas ang 30 minutes. At inaccept nya na ako agad!!!!!!! AKALAIN MO YUN! In-accept nya ako?! Online sya. Online sya. Online sya. Anong gagawin ko? Icha-chat ko ba? Kaso.. baka di nya ako pansinin.. Eh ano naman? Atleast sinubukan ko diba? Tama! Icha-chat ko sya. 

Unreachable (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon