Your Partner, Your Love (One Shot Story)

208 6 7
                                    

"Okay guys, get ready. Tapos na ang break."

Yan ang sabi ng dance choreographer namin. Magsisimula na daw kasi ang practice.

Nagsitayuan na kaming lahat. Nagsimula ng tumugtug ang music at sabay naming sinayaw ang isang napaka romantic na sayaw. Romantic nga, pero hindi mo naman crush ang kapartner mo. How was that? Hanggang tingin na lang ako.?

Ako nga pala si CHANTEL DION. Isang Senior student dito sa school kung saan nag-aaral ang matagal ko ng crush. No scratch that. Hindi Crush kundi Love. Siya si FRANK HYLES.

Isang siyang dancer, ultimate dancer. Sumasali siya almost of the dance competition sa school and inter-school. Halos lahat ng sayaw alam niya. Ballroom, hip-hop, folk, etnik, modern, jazz, kahit ano. Marunong din siyang tumambling. Hindi lang siya isang dancer kundi singer rin. May banda sila at siya ang vocalist, pero hindi nya masyadong binigbigyan pansin yon. Sporty din siya. Isa siyang MVP sa school. At eto pa, siya ang top sa lahat ng Juniors sa school namin. WOW lang ano? SIya na, siya na talaga. Kaya nga tinatawag siyang Campus hearthrob dito sa school eh. Almost all the students dito, gusto siya including me. Kahit mga College students nagkakandarapa sa kanya. Kahiya sila, pumapatol ng mas bata.  

Actually, classmate kami ni Frank. Pero mabibilang mo lang talaga ang minuto ng pag-uusap niyo. Napaka tahimik. Ni hindi nga nakikipag-usap masyado sa mga ka team niya. Kaya nga parang mababaliw na ang ibang students dito kung kakausapin ni Frank. Ni mga classmates niya hindi niya kinakausap, yung iba pa kaya.

Back to reality tayo. Kapartner ko pala ngayon ang pinsan kong bestfriend na si Luie. Bakit ba kasi sa lahat lahat siya pa. Kainis. Reklamo ng reklamo. KUng si Frank na lang sana eh di forever happy na ako ngayon. Pero okay lang atleast magkakabarkada naman sila ni Frank kasi kasali rin ito sa basketball. I can get more infos about him. Siya lang kaya ang may alam na may gusto ako kay Frank.  

"Aray naman Chan, nakakalima ka na ah. Sakit na ng paa ko." oo limang beses ko na siyang naapakan.

"Sorry naman, ang hirap naman kasi nakasandals kami. 5 inches kaya tong suot ko." Marunong naman akong sumayaw noh pero ang hirap lang talaga dahil pinasuot kami ngayon ng sandals. Nasabi ko na ba sa inyo kung bakit napasali ako dito? Kasi ang mga kinuha ni mam ay ang mga campus beauties and hearthrobs daw. Hindi naman sa nagyayabang pero im one of it. Dahil desperado din akong makita ang forever loves ko at nagbabasakaling rin akong makakapartner ko siya, agad naman akong pumayag. Pero sa kasamaang palad napunta ako sa gunggungin kong pinsan. Lima lang kaming pair. Kapartner ngayon ni Frank ay ang classmate namin na matagal na ring maygusto sa kanya. Karibal ko yata. tsk tsk tsk

"eh sinabi bang 5 inches sandals ang gamitin niyo. Magpraktis ka nga Chan pagdating sa bahay niyo."

"Che manahimik ka. Ikaw nga tong hindi marunong sumayaw, kung marunong ka lang sanang dumala sa partner mo, wala ka sanang reklamo diyan, ang engot mo"

"Eh kung isumbong kaya kita kay....." napatigil siya ng biglang sumigaw ang choreo namin.

"ANONG NANGYAYARI DIYAN?"

"eh kasi siya ho, kanina pa ako inaapakan" sumbong ni Luie

"anong ako? ikaw nga tong pa ekis-ekis ng paa. Hello nakasandals kami, kaya kailangan full support kayong mga lalaki." I glared at him at sumang-ayon naman iba naming mga kasama sa sinabi ko.

"ENOUGH. I think kung lagi lang kayong nag-aaway dalawa, walang matinong mangyayari. Paghihwalayin ko kayo."

YESSSSS. whoooo. Binelatan ko si Luie. Haaay, I feel so Happy. Sa wakas hindi na ako magsusuffer sa ka artehan ng pinsan ko.

"FRANK and LUIE, exchange kayo ng partners!!"

Wait??? 

Frank? as in FRANK?

Your Partner, Your Love (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon