Mission 34

588K 16.4K 2.7K
                                    

Mission 34


Nakapangalumbaba ako ngayon sa tapat ng bintana habang pinapauod ang sobrang lakas na ulan, may kasama pa itong malakas na hangin. Halos hindi ko na nga makita ang labas dahil medyo madilim na ang paligid. Napapaisip tuloy ako kung papaano kami makakauwi nito paniguradong bukas pa kami makakauwi, sigurado namang masususpende ang klase sa lakas ng ulan.

Maghahapon na kasi ang bilis ng oras pag walang ginagawa. Nahirapan pa akong magdala ng pagkain sa kani kanilang kwarto ng mga Shokoy kasi naman ay may kanikanila silang arte. Gusto ko nito, ayaw ko niyan, bakit ganyan, ayokong kumain sa madaling salita ang sarap pag untog untugin ng mga Shokoy na yan.

Masyado silang mga demanding pag may lagant, hindi ko nga alam baka pinagtitripan na ako ng mga ito. Mapepeke ba anga lagnat?

Malas naman kasi at umuwi na kahapon pa ang mga katulong, hindi naman pala stay in ang mga 'yon. Pumunta lang sila dito para maglinis at magluto dahil dadating ang mga amo nilang Shokoy. Ang alam lang kasi nila isang gabi lang kami titigil dito, ano ba namang alam namin? May dadating palang bagyo. Malas.


"Hay" napabuntong hininga na lang ako.

Sa boredom ko nagsulat na lang ako gamit ang daliri ko sa bintana. 'Shokoy' napangisi na lang ako sa sinulat ko. Nasa kwarto nga pala ako ng nagsusungit na hari ng mga Shokoy. Hindi niya ako kinakausap, infact nagtutulog tulugan na naman yan. Hindi rin ako makalabas man lang at mabisita ang mga pinsan niya, kasi naman seloso lalo na pag may lagnat. Ayoko namang makipag away sa kanya lalo na at may sakit siya, saka na lang.


"Nero do you want something? I can cook any" tanong ko kay Nero. Kanina kasi nagtingin ako ng laman ng ref and I'm glad it is fully tank. Siguro ay namalengke 'yong mga katulong kanina para kung sakaling maisipan naming magluto ay may mailuluto sa amin.

Sa tanong ko sa kanya, hindi man lang siya kumilos o umibo. Tulog ba talaga siya? O nagsusungit na naman.

Nakatalikod siya sa akin habang nakatalakbong siya sa makapal na comforter. Bakit ang sungit sungit ng Shokoy na yan? Naiinis na ako.


"Seriously, you're sleeping Nero?" wala na naman siyang sagot.


"Hay" napabuntong hininga na naman ako. Bumaling na lang ulit ako sa may bintana at nagsusulat na naman. 'Nero = sungit'


"Hindi na nga ako umaalis dito, sinusungitan pa din ako. Hmmp!" pinaparinggan ko siya, alam ko naman na gising ang isang 'yan. Pero bigo ako, wala pa din siyang sagot sa akin. Nakakainis na talaga! Ganyan ba siya kaseloso? Grabe.


"Bakit ang tagal naman ng mga doctor nyo?" tanong ko ulit sa kanya, hindi na kasi dumating ang sinasabing doctor ni LG. Nalunod na ata ng baha.

Wala pa din siyang sagot. Hanggang kaylan kaya mapipipi ang hari ng mga Shokoy na 'yan. Halos maningkit na ang mata ko sa katititig sa likuran niya ngayon. Inuubos ng Shokoy na yan ang pasensya ko.


"Hindi mo talaga ako papansinin dito?" nakataas na ang isa kong kilay sa nakatalikod na Shokoy.


"----"


"Right! Walang halik halik na mangyayari sa loob ng tatlong buwan" iyamot na sabi ko. Pero nagulat na lang ako nang mabilis siyang sumagot.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon