Prolouge

57 4 14
                                    

M.U.



Ano nga ba ibig sabihin ng M.U.?



Maraming nang ibig sabihin sakin ang M.U.



#1 Mutual Understanding, kung saan kayo lang nakakaalam ng nararamdaman niyo para sa isa't isa pero walang ugnayan. Nagkakaintindihan kayo sa kung anong meron KAYO! alam naman nating lahat na ganito ang kahulugan nito.





#2 Malanding Ugnayan, kung saan may jowa ang isa sa inyo at may relasyon kayong dalawa. Relasyon na puro landian lang.





#3 Mag isang umiibig, kung saan ako lang ang mag isang umiibig sa aming dalawa. Mag isang, kumikilos para mag work out ang relasyon namin kahit wala naman talaga. Ako din ang mag isang gumagawa ng effort sa relasyon namin kahit wala naman talaga.




#4 Maling usapan, kung saan nagkaroon kami  ng isang usapan....




at sa pagkakataon nga naman




#5 Mag isang Umaasa, mag isa lang pala akong umaasa sa usapan namin na tutuparin niya ang lahat.




at higit sa lahat!




#6 Masakit Umasa, masakit umasa sa taong wala namang kasiguraduhan lalo na't mayroon pang hadlang.




Nagsimula ang lahat dahil sa pagiging M.U. namin at dahil diyan nabigyan ko ng iba't ibang kahulugan ito.



Ugnayang di pa nga nauumpisahan pero marami na agad ang hadlang...



At sa isang desisyon lamang, nagbago ang lahat! Nawala ang lahat na sana magkakaroon kami.



Ikaw? ano ibig sabihin ng M.U. mo?


*****

Comment po kayo guys! Gusto ko po malaman kung ano masasabi niyo. SALAMAT! :*





M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon