[Ashley's POV]Nagising ako nang maaga, siguro excited lang ako sa graduation namin ngayon.
Inayos ko na ang dapat suotin ko mamaya, para handang-handa na ako pag paalis na kami. Bumaba na ako para kumain ng agahan.
Nakita ko si Mommy nag hahanda na ng pagkain.
"Oh! ang aga mo naman" habang naghahanda parin siya ng pagkain.
"Excited na ko mommy" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Mukha nga"
Bago pa malusaw sa paningin ko ang mga pagkaing hinanda ni Mommy, nilantakan ko na agad ito.
Habang kumakain ako, nalasahan ko yung pagkain katulad na katulad ng ginawa ni Daddy.
"Mommy, kamusta na restaurant natin?" habang ngumunguya parin ako.
"Ahm, okay naman" alanganin niyang sagot.
"Pupunta ako dun"
"Ha?! bakit naman?" takang tanong niya.
"Bakit parang gulat na gulat kayo?" kakaiba ngayon si mommy.
"H-hindi ah!"
Pagkatapos kong kumain ng agahan, tinawagan ko kaagad si Paul para sabihin na sunduin ako, pero cannot be reach. Mamaya ko na lang siya tawagan baka busy lang.
Tinawagan ko naman ngayon si Claire para kamustahin, pero cannot be reach rin. Nakakapagtaka naman lagi naman nila sinasagot agad ang tawag ko kasi alam nilang magagalit ako kapag di nila sinasagot.
Umabot na ako ng tanghali kakatawag sa kanila pero ni isa man lang sa tawag ko walang sumasagot.
Si Paul pa naman ang maghahatid sakin pagpunta sa school kasi kung hindi siya, si Mommy ang maghahatid sakin at baka yung kotse ni Mommy ang gagamitin namin na lagi pa naman walang gas.
Graduation day pero parang ma ii-stress ako ngayon, baka mamaya mautal utal pa ako sa speech ko mamaya. Mapahiya pa ako.
Malapit na ang oras ng graduation, nakapagayos na ako ng sarili ko at kinabisado ko na rin ang speech ko mamaya. Napagdesisyonan namin ni Mommy na pumunta muna sa resto para mabisita ko na rin ang mga empleyado namin doon.
Nang papunta na kami at nasa loob na kami ng kitchen sinalubong ako ng mga yakap mula sa mga empleyado namin.
"Na miss kita Ashley" sabi ni ate karen na isa sa mga empleyado namin.
"Oo nga, bakit kasi ngayon kalang bumisita" sabi ate joyce habang yakap ako.
"Naging busy lang po" nakangiti kong sabi sa kanila.
"Congrats nga pala, ang galing mo talagang bata" sabi ni ate joyce.
"Ang talino mo talaga Ashley, akalain mo yun naging valedictorian ka" singit naman ni kuya kenneth.
"Syempre ako pa, matatag 'to e" pagyayabang ko sa kanila at nagtawanan silang lahat.
"O sya, aalis na kami"
Bago ako dalhin ni Mommy palabas, bigla akong nagtakang nung bilangin ko sila, lilima na lang silang nagluluto.
"Teka lang, bakit wala si kuya john at ate marie?" tanong ko sa kanila.
"Kasi Ashle-"
Naputol yung sasabihin sa'kin ni ate karen nang magsalita si Mommy.
"Ako na magpapaliwanag sa kanya"
Pagkasabing pagkasabi ni Mommy nun, dumiretso na kami sa koste.
"Bakit wala na sila?" nasa loob na kami ng koste at nasa driver seat si Mommy.
"This is your day Ashley, ipapaliwanag ko sayo soon" medyo mataas ang boses niya.
Hindi na ako nagsalita nang sabihin niya yun at baka ito pa ang simula ng pagaaway namin.
Nasa school na ako at kasalukuyang naka arrange na ang mga upuan namin pati narin ang mga parents at guest na dumalo.
Tahimik lang akong nakaupo, habang nag sasalita ang guest speaker nang pagkahaba haba.
Tinitignan ko kung saan nakaupo sila Paul at Claire pero bakante yung upuan nila, siguro na late lang yun kaya matatagalan sila. Hinihintay kong may pumasok sa malapit na gate pero ni isang tao walang pumasok.
Di ko namanlayan na tinatawag na pala ako.
"Ms. Salvador our valedictorian"
Nagpalakpakan ang lahat nang magsalita ako sa harap, sa salita na sinabi ko bigla akong naiiyak. Kung sa ibang studyante masaya sila dahil naka graduate sila pero ako malungkot, kasi sa araw na pinangaralan ako bilang valedictorian doon naman nawala ang mga taong gusto kong makita ako kung ano na ang naabot ko ngayon.
Ang akala ng iba naging emotional lang ako pero ang totoo malungkot ako kasi wala yung mga taong gusto kong makita sa araw na 'to.
Natapos ang speech ko at nagpalakpakan ang lahat, nang biglang maramdaman kong may tumatawag sa phone ko at sinagot ko kaagad iyon.
"Ashley pumunta ka dito sa hospital, kailangan ka ni Paul. Naghihingalo na siya" sabi ng mom ni Paul na ngayon ay umiiyak mula sa phone.
Bigla akong nawala sa sarili ko nang marinig ko mula sa mom niya yun, kaya dali dali akong umalis kahit nagulat ang lahat sa pag alis ko. Hindi ko iniisip ang medalyang makukuha ko, mas kailangan ako ni Paul ngayon.
Pumunta ako sa lugar kung saan nakaparada ang kotse ni Mommy, nag drive agad ako papuntang hospital.
Pinaharurot ko na iyon dahil gusto kong makaabot kung ito na ang huling hantungan ni Paul.
Maluwag pa ang kalsada at wala gaanong sasakayan pero pagdating ko sa footbridge doon naman nagka trapik, hinahampas ko na ang ulo ko sa manibela. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Ilang minuto na ang trapik kaya naisipan kong takbuhin na lang kahit malayo pa. Tumakbo ako ng tumakbo kinakailangan kong makaabot, hingal na hingal na ako sa pagod kakatakbo pero iniisip ko kaya ko 'to.
"Paul hintayin mo ko" naiiyak kong bulong sa sarili ko.
Natanaw ko na ang hospital, palapit ako nang palapit na sumabay rin ang pag agos mga luha ko.
Nung nasa loob na ako ng hospital kaagad kong hinanap kung saan naka confined si Paul. Napahinto ako nang makita ko ang kapatid ni Paul na umiiyak pati na rin ang magulang niya.
Naglakas loob akong pumasok, nakita kong siyang nakataklob na ng kumot. Bigla akong napaluhod sa kinatatayuan ko.
"Paul!! bakit mo iniwan?, Paul gumising ka! wag mong gawin sa'kin 'to Paul!!"
Niyakap ko siya habang humahagulgol ako.
"Paul!! hindi ko kayang wala ka, bakit di mo sinabi sakin 'to Paul!!!!!"
Wala akong ibang narinig kundi humahagulgol na iyak at sigaw mula sakin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Forever
RomanceStorya ng babaeng palaging iniwan ng mga taong mahal niya, paano kung ang pinaka mamahal niya mawala rin? Makakaya niya pa bang mabuhay mag-isa?