Tinawagan ni Angel ang tiyahin niya para sabihing mamanhikan sila kina Glaiza kinaumagahan. Gabi kasi ang flight ng mga ito pabalik ng London. Habang si Glaiza naman, tinawagan ang ina para sabihing dun manananghalian ang pamilya ni Angel. Parehong pumayag ang mga ginang.
"Hon, pano si Tita Laurena?" Tanong ni Glaiza sa fiancee nito. "Di mo ba siya papupuntahin?"
Tinitigan lang siya ni Angel. "Hon, nanay mo pa rin yun."
"Ok, susubukan ko." Sagot naman nito.
"Grabe, parang di pa rin ako makapaniwala na magkapatid kayo ng karibal ko pala." Sabay upo sa tabi ni Gel. Inakbayan ng huli ito.
Samantala, tahimik lang si Rhian sa kotse habang nagmamaneho. Katabi niya ang ina.
"Anak, you wanna hear about it?"
"I already know the story. Ikinuwento niya sa akin nung naconfine ang tatay niya. God, I still can't believe it!"
Tumahimik na lang ang ina nito ng biglang nagring ang celphone niya. "Hello?"
"Hi tita Laurena, si Glaiza po."
"Oh, hi Glai, napatawag ka?"
"Oho eh. Ah tita, iimbitahan ko po sana kayo bukas sa bahay, lunch po, may konting salu-salo lang ho. Sana po makapunta kayo."
"Oh sige, pupunta ako."
"Salamat ho."
Nagpaalam na rin si Glaiza kay Gel. "So pano hon, bukas na lang ha?" sabay halik sa labi nito.
"Ok. Ingat ka ha. Txt me when you get home. I love you." Pagkatapos sumagot ni Glaiza, lumakad na ito.
Alas onse na ng umaga, sinundo nina Angel at Zoe sina Andrea at Direk Dom.
"Hi!" Bati ni Glaiza kay Angel pagkabukas ng gate. Binati niya rin ang mga kasama nito.
"Mommy Glaiza!" Sabat naman ng bata sabay yakap dito.
"Tara na po, pasok na po tayo sa loob" yaya nito sa kanila.
Pormal na pinagkilala ni Glaiza ang kanyang pamilya at pamilya ni Angel. Masaya naman ang bawat partido.
"May hinihintay pa ba tayo?" Tanong ng nanay ni Glaiza.
"Ahm, meron pa po."sagot naman ni Glaiza ng biglang may nagdoorbell.
"I'll get it." Si Angel.
"A-angelique?" Gulat na bigkas ni Laurena nang makita ang nagbukas ng gate. Nakatayo naman si Rhian sa tabi ng kotse nito.
"Pasok po kayo....Rhian."
Hindi naman maidiretso ng huli ang tingin sa kanya. "No, hindi na. Besides, si mama lang naman inimbita ni Gl-"
"It was me who asked her to call your mom. And I also want you to be here." At pumasok na sila.
"Laurena?" Nagulat si Andrea. Ganun din si Laurena.
Nakaupo na sila sa dining table ng magsalita na si Angel habang hinawakan ang kamay ni Glaiza.
"Hi everyone, the reason po if why we are gathering here right now is that, I and Glaiza would like to announce that we will be getting married in London, and I hope na tayo-tayo pa rin po ang magkakasama dun."
Nagulat na natuwa ang lahat lalo na sa bata. Oh yeah, you really have to accept the fact Rhi.....she's your sister....that's all. Bulong ni Rhian sa sarili.
Binasbasan naman ng mga magulang ni Glaiza ang dalawa. Habang si Andrea, "Laurena, any message?"
Nagulat ang huli. "Ha?!"
"'Nay....?" Sa wakas ay tinawag na rin siya ng anak sa salitang napakatagal niyang ninais marinig muli. Ibinigay niya ang basbas sa dalawa pagkatapos magsalita. Bumuhos ang luha sa mga mata nila.
"Rhi, this is the reason why I can't. I've known it when you appeared on your first tv series eight years ago. I was on the job training when I saw you approched nanay, and I asked one of the staffs kung ano mo siya and they said mama mo. Mula nun sinubaybayan na kita. I even befriended you just to make sure na malaman kong okay ka at safe ka. Kahit sa ganung paraan man lang ay magampanan ko ang pagiging ate ko sayo at mapalapit kay nanay. Maging ikaw, you were always there whenever I need someone."
"I'm sorry. And thank you kasi alam ko kung paano mo ako minahal at inalagaan habang nasa mundo na ako ng showbiz and even in real life." Nagyakapan ang dalawa.
"Naku, kumain na tayo bago pa tangayin ng mga luha natin ang mga pagkain at baka dalhin pa sa ilog pasig, mahirap na." Sabat ni Chynna na napatawa naman ang lahat.
Matapos nilang kumain, nakita ni Angel si Rhian na may kausap sa labas....si Jayson. Tila nagsasagutan ang mga ito. "Rhi, everything is ok?" Tanong nito na lumapit sa kanila at hinawakan ang kamay ng kapatid. Lalo namang nainis ang lalake sa nakita.
"Yeah, it's ok. Papasok na ako sa loob." At iniwan na nya ang dalawa.
"Alam mo, salot kang lesbiana ka!" Ani Jayson. "Kung hindi dahil sa pagbalik mo dito, di sana hindi nadistract si Rhian ulit!"
"What?! God, di ka pa rin nakakamove on?! Ayaw na sayo nung tao! Ganun na lang ba kasikip ang mundo para sayo?!"
"I want her back!"
"Kung ganyan ka, you think babalik yung tao sayo?!"
"Kung mawala ka sa eksena, siguro pa. Ewan ko ba bakit patay na patay sa isang lesbiana ang mahal ko?! Nakakadiri ka!"
"Oh man, you are sick!" At pumasok na si Angel ng marinig niyang nagsalita pa si Jayson.
"Wag ka magmatigas! Dahil di mo alam ang kaya kong gawin."
Umiling na lang si Angel.
Hapon na ng magyaya na si Andrea. "Gel, isasabay ko ba si Zoe o sayo na siya sasabay? Asan na ba ang batang yun?"
Nagalugad na nila ang buong kabahayan ngunit walang Zoe na nakita. Everybody is panicking already. "Huli ko po siyang nakita nung kinuha niya ung shuttle ng badminton sa kalsada. Iniabot po nung boyfriend ni Miss Rhian." Sabi ng isang kasambahay.
"Sino?!" Worried at gulat na tanong ni Angel.
"Si Sir Jayson po."
Lalo siyang kinabahan. "Rhi, give me his number."
"Ha? Bakit?"
"Just give me his fucking number!!!!" nanginginig na sa galit. Habang itinatype niya yung number ay biglang nagring ang phone nito. "Hello?"
"Hinahanap mo anak mo?" Boses ng nasa kabilang linya. Si Jayson.
"Hayop ka, saan mo dinala ang anak ko?!"
"Don't worry, safe naman siya eh."
"Nasaan ang anak kooooo!!!!???" Nakatingin na ang lahat sa kanya.
"Ibabalik ko siya sa isang kondisyon, hiwalayan mo siya."
"Ano?! Sinong hihiwalayan ko?!" At napatingin siya kay Glaiza.
"Si Rhian. Leave her then you can have your daughter back!"
"Gago ka, wala kaming relasyon!!!"
"Wag na ako utuin!"
"Please give my daughter back. She's the only one I have left. Please!"
"Leave her or else..."
Narinig ni Angel ang iyak ng anak. "Zoe? Zoe?! Are you okay?"
"Ano, ang girlfriend mo o ang anak mo?!"
"Rhian is not my girlfriend! She's my sister bitch!"
Saglit pa'y naputol na ang linya.