Chapter 33

14.9K 410 7
                                    

CHAPTER 33

Mia's POV

Papunta na ako sa room namen. Medyo natagalan ako sa pagbibihis, alam kong late na ako. San ba kase yun si Brey? Di pa nagtetext eh.

Nagmamadaling kinuha ko ang sling bag ko at inayos yung sintas ng black highcut shoes ko. Enebenemen toh. Di na ako nakatingin sa dinaadaanan ko at nakafocus lang sa pagsintas ng shoes ko. Hanggang sa ....

"ARAY/OWW" napatumba na talaga ako ng tuluyan. Aawayin ko na sana yung bumangga saken kaso mukha ni Paul ang tumambad saken. Oh my gee!

"Hey Mia, sorry bout' that" nilahad nya saken ang kamay nya para tulungan akong makatayo. Tinitigan ko muna yung kamay nya na nasa harap ko. Waaaaaah, kung sa tingin pa lang super lambot na huhu. Tas mabango pa. Huhu!

Nanginginig na inabot ko naman yung kamay ko at tinulungan nya akong makatayo habang nagpapagpag ako ng palda. "Sorry din Paul ah. Yung sapatos ko kase hehe" nahihiya na ako sa lagay natoh.

Nagulat nalang ako nung bigla syang lumuhod sa harap ko at sya ang nagsintas sa sapatos ko. Orayt! Rock n' roll to the world na toh mga frets!

"Salamat" nakatayo na sya at nginitian lang ako. Di ko talaga sinusunod payo ni Sammy. "So kamusta?" I'm referring to his life now. Alam kong nabasted sya ni Brey. "Well, nagmomove on kahit wala namang naging kami. Hahaha" tumawa sya. Pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

"Andito naman ako eh" bulong ko.

"Ha?"

"Wala hahaha sige aalis na ako. Late na eh! Bye" tumakbo na ako patungo sa room namen pero ang nadatnan ko dun ay si Axel sumisigaw sa loob ng room na parang sira. Mula sa glass window nakita ko mula sa loob na nawindang si Brey sa mga pinagsasabi ng boyfriend nya. Achuchu edi sya na may boyfriend. </3

Ang narinig ko lang na sinisigaw ni Axel ay ALL OF YOU! DON'T YOU DARE TOUCH AUBREY AIKAWA! SHE'S MINE. TOUCH HER AND I'LL KICK YOUR ASS OUT OF HERE'

"Hoy Axel, anong ka echosan toh?" tanong nung mapadaan ako sa harap nya. Pero di sya sumagot at umalis na. Tinignan ko naman si Brey na pulang-pula na sa kinatatayuan nya. Hahaha


Terrex's POV

"Mga pre, hinahamon nanaman tayo ng Death Knights Gang" pagsheshare ko sa tropa habang iniiscan pa yung mga text nila sa phone ko.

"Again?" tanong ni Sam. Tumango lang ako. Sa lahat ng tao dito sa Brayden itong Death Knights lang ang hindi natatakot sa bangis ng mga kagwapuhan namen. *wink*

"Syet, di ba sila nagsasawa?" inis na sabi ni Michael. Ulol! Kahit ako nagsasawa na sa pagmumukha nila. Obvious naman na mas cute ako sa mga unggoy na yun.

"Rex, alam kong di away nasa isip mo at mga kagaguhan nanaman ang laman nyan" napatingin naman agad ako kay Yana at sinamaan sya ng tingin.

Napatigil kami sa ginagawa namen nung niluwa ng pinto ang nakasimangot na Boss.

"Problema mo, Bro?" tanong ni Dean sa kanya. "None of your business" masungit na sagot naman ni Boss. Pustahan tayo mga pre! LQ sila ni Brey.

"Boss yung DK Gang. Naghahamon nanaman." rinig kong sabi ni Arthur. "Lets teach them a real lesson this time" nakita kong sinuot ni Axel yung mga singsing nya na malalaki.

Hmmm. I smell war


Aubrey's POV

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon