When love a famous, kailangan mong tanggapin lahat...
Lahat ng mga paratang nila...
Lahat ng mga masasakit na salita...
Ang pambu-bully nila...
Kasi famous ang mahal mo...
Lahat ng tao sa paligid mo, kalaban mo...
Dapat 'din, handa ka ng masaktan...
Kasi hindi lahat ng araw, nandyan siya para ipagtanggol ka...
Para samahan ka...
At para damayan ka sa lahat ng problema mo...
Ang saklap no. May boyfriend ka nga pero invisible naman, physically present pero mentally invisible,'ika nga nila...
Ako si Janella Jimenez, minsan ng nasaktan,nagpaka-bulag sa pagmamahal sa taong hindi ka siguradong mahal karin. Ang saklap ng tadhana...
Minsan nga,tinatanong ko sa sarili ko bakit palagi nalang akong nasasaktan?
Bakit palagi nalang akong naiinlove sa mga famous?
Bakit ba? Dahil ba gwapo sila? Varsity sa school? O kaya, nakisabay sa uso lang?
Ilang beses na akong nagmahal, at kaht nasasaktan ako, paulit-ulit pa'rin akong nagmamahal.
'Yan ako eh. Mahina. Mahina sa pagmamahal...
Sino nga ba ako, para patulin ng mga famous?
Isa lang naman akong simple girl sa school na nangangarap na makatapos ng pag-aaral at siyempre, nangangarap na magkaroon ng lovelife...
Inaamin ko, hindi ako loner,marami akong friends at suitors. Pero isa lang naman ang gusto ko eh. Na mapansin ako ng mahal ko.
Maraming nagsasabi ng maganda daw ako, pero aanhin ko naman yan?
Nagamit ko ba yan sa pagkuha sa lalaking mahal ko? Hindi naman eh!
Ilang beses na akong nag-pray kay lord, na sana pansinin niya ako. Pero kahit ilang beses akong magdasal, hindi nangyayare, bakit kaya? Dahil ba, hindi kami meant to be?
*sniff* tama na nga!! Naiiyak na ako!!!
Basta ito lang, para sa'kin, uulitin ko, mabubulag ka dahil sa pagmamahal, nagpapakatanga ka narin dahil sa pagmamahal, at nagiging desperada ka naring kunin ang gusto mo.
And all these changes in your life will come true, and it all started, when you love a famous.
Hayy, sa murang edad na 12, naramdaman ko ang sinasabi nilang, "puppy love".
O kaya, love na talaga to?
BINABASA MO ANG
When you love a famous
RandomNaranasan niyo nabang magmahal ng isang famous? Kasi ako,Oo. At yun ang pinakamali kung ginawa sa tanang buhay ko. Kasi,akala ko,mahal niya 'din ako. Akala ko,gusto niya akong makasama forever. Pero lahat ng 'yun, akala ko lang. Totoo nga talagang,w...