Cocktail

42 3 0
                                    


Palaro Week.

Ito na yata ang pinakamemorable na linggo sa buong college life ko. Memorable dahil sa mga firsts especially ang cocktail - an alcoholic drink mixed with a different flavored drink. I am not a drunkard but curiosity kills! At dahil sa cocktail na yan...

--

"Shai, halina't tayo'y humayo na papuntang sports complex." sabi ko sa kanila habang nakasandal sa isang double-deck bed sa loob ng dormitory room na tinutuluyan namin.

"Shut up Pam, ang gross pakinggan!" sigaw naman pabalik ni Yvonne. Tumawa nalang ako ng malakas mula sa kinatatayuan ko.

"May sayad ka na sa utak Pam!" bulalas ni Shai sabay batok sa akin.

"Hmp. Sadist" bulyaw ko. Napatawa naman si Yvonne. Pagkatapos nilang mag-ayos na sandali lang daw, which is not true dahil umbot ng 30 minutes ang paghihintay ko ay umalis na kami at dumiritso sa University Sports Complex para panuorin ang laban ng aking ultimate crush in jersey # 24 na taga Bulls.

"Sa tingin niyo sino kayang mananalo sa basketball match ngayon, Wild cats or Bulls?" tanong ni Yvonne out of the blue.

"Tinatanong pa bay an? E di Bulls!" mabilis na sagot ko with assurance due to my tone.

"No way Pam, wild cats ang mananalo for sure." Sabat naman ni Shai. Wild cats? Eh no match naman yun sa bulls eh.

"Naka tsamba lang sila nung nakaraang game, bulls ang mananalo" pagdepensa ko. There's no way na pwedeng manalo ang wild cats. Pa'no nalang si my loves if matatalo sila? Kaya di pwede, I will make sure na sila ang mananalo.

Matagal-tagal ko na ring crush si Sahes in jersey #24. Eversince pagtuntung ko ng college crush ko na yun. Pag nagkakatagpo ang landas naming dalawa ay sobra ang aking pagpapasalamat sa Panginoon, minsan nga kinukuhaan ko siya ng stolen pictures pag napapractice sila. Di naman kasi ako tulad ng ibang niyang fans na sobrang showy. Tahimik lang kasi ako pwera nalang pagkasama ko ang dalawang to.

"E, yung rason mo lang naman ba't suportado mo ang bulls e nandoon kasi si Sahes!" bulyaw ni Shai.

"Naman! Ganyan talaga dapat supportive sa future boyfriend!"

"Feeler!" sabay na nabulalas ni Yvonne at Shai.

"Tse!" tumawa naman sila ng malakas sa naging reaksyon ko. Nakakainis! Bullies!


"Excuse me misses, would you like to taste our very own cocktail?" Bigla nalang sumulpot ang babaeng to na naka-outfit ng pang cowboy na may dalang tray na may different colored drinks.

"Uhm, no, off limits kami sa alcoholic drinks eh." Sagot naman ni Yvonne. Pa'no nagkaroon ng alcoholic drinks dito? To think na Palaro ang event not an acquaintance party. Pero, I admit very enticing ang drink dahil sa taglay nitong kulay. I wonder how it tastes like? Try ko kaya? No, no, no. Patay ako kila kuya pagnagkataon.

"No, di naman nakakalasing to 6% lang ang alcohol content nito kaya mild lang ang effect if ever. Then it only cost 5 pesos lang kaya very affordable." Aba't ang galing mang sales talk ng babaeng to ah. Naiinganyo akong bumili. Haha pero patay talaga ako kila kuya. Siniko nila akong dalawa at binulungan ng 'try tayo'. Umiling-iling ako, saying no way but they are so persistent na mag try kaya, no choice bumili na rin ako. Di naman siguro nakakalasing ang 6% no? Kaya okay lang. Siguro

"Color blue sa'kin" - yvonne

"Red" - Shai

"Yung choco akin." I told the girl. Binnigyan niya kami isa-isa. Di naman amoy alcohol kaya diritso kong nilagok, making one straight shot.

Cocktail (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon