Scientific Calculator (One-shot story)

125 4 1
                                    

"Wag kang mag-alala, Shin. Hindi naman ako mapili, eh. Kahit na anong model ng Bugatti Veyron lang." sabi sa akin ni Vance nang makaupo kami sa pinaka-dulong bench ng Destiny.

Ito ang paborito naming tambayan kapag wala kaming klase. Isa tong lugar kung saan madalas tumambay ang mga estudyante.        

Napasimangot ako. Hindi pa siya choosy nyan, ha! "Wala akong ganoong kalaking pera para bilhan ka ng kotse."        

"Eh, kung Nike Air Zoom Kobe na lang kaya?" suhestiyon pa niya.      

 "Hindi kaya masira 'yon kung gagamitin kong pampukpok diyan sa ulo mo?"

Nakakainis naman kasi. Kakasabi ko pa nga lang na wala nga akong ganoong kalaking halaga para bumili ng mamahaling pang-regalo, tapos magsu-suggest pa siya ng napaka-mahal na sapatos! -_____-        

Sa sobrang asar ko, inilabas ko na lang ang sandamakmak na photocopies namin at Scientific calculator. Magre-review na lang ako para sa darating na exam kaysa kausapin ang unggoy na katabi ko.        

 "O, sige. Rolex Deepsea o Clive Christian perfume na nga lang." at humirit pa siya talaga, ha!        

Hinarap ko siya, "Ikaw na lang kaya bumili? Ikaw naman ang gagamit, 'di ba?" Psh! Sige na. Siya na ang mayaman at ako ay isang hamak na pulubi lamang! Ang kulit talaga!        

Birthday niya na kasi next week kaya tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang regalo. At ngayon ko lang napagtanto, iyon ang napaka-laking pagkakamali ko! Hay naku! Ang hirap talagang maging isang malapit na kaibigan sa isang mayaman. Hindi ko ma-reach ang standards nila. Ewan ko nga ba kung paano ko naging best friend ang kumag na ito. Basta isang araw, lumapit siya sa akin para manghiram ng calculator.          

Eh, kung hindi ba naman kasi siya boplaks, makakalimutan na nga lang niya ang calculator niya sa bahay nila kung kailan may exam pala siya sa Accounting! At 'yon! Doon nagsimula ang aming pagkaka-ibigan-este-pagkakaibigan. :)          

"O, ba't mo 'ko tinititigan?" tanong niya na nagpa-kurap sa'kin.          

"H-ha?" Waaaaaah! Nakakahiya! Nakatitig na pala ako sa kanya?        

"Ang gwapo ng best friend mo, 'no?" abot-tenga pa ang ngiti niya.      

"Ha? Oo naman. Mula ulo.. mukhang paa!" Sabi ko sabay yuko para pagtakpan ang kahihiyan ko. Nagbasa na lang ulit ako.

"HAHAHA! Eh, ba't namumula ka?" tanong niya.        

"Krisis kasi sa 'Pinas kaya wala ng pag-asa na lumaki ang size ng pasas." Ha? Kahit ako naguluhan sa sagot ko. Anong connect? Tsk! Ang kulit kasi. Ayaw akong tantanan ng lahi nito.           Napakamot na lang siya ng ulo.

"Sige na. Ano ng plano mo sa birthday ko?" tanong na lang niya. Mabuti at iniba na rin niya ang usapan. Kinuha niya ang SciCal ko at nagpindot ng kung ano-ano. Nakakita na naman siya ng laruan. (--,)        

"Kailan pa ako naging party organizer mo?" tanong ko kaya pinukpok niya sa'kin ang sarili kong calculator! =_____=        

"Engot ka talaga. Ang ibig kong sabihin, ano ng plano mong iregalo sa'kin?"      

"Wala na akong plano! Ang sakit no'n, ha!" inis na sagot ko habang hinihimas ang ulo ko.

"Tss. O, eto. Sagutin mo." sabi niya sabay abot sa akin ng calculator. Medyo umiwas pa siya ng tingin sa'kin.        

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scientific Calculator (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon