Her Cry (One-Shot Fan Fiction for "Dyma's Maiden")

1.9K 50 20
                                    

Note: Maraming salamat po sa pagbabasa. Kung gusto niyo pong may music habang nagbabasa, i-play niyo po yung video sa kanan. Yan po yung pinapakinggan ko habang sinusulat 'to. Kindly leave your comments about the story, makakatulong po yun sa akin. Pakisabi na lang din po nicely kung may grammatical/typographical errors, hindi ko na po kasi ito na-proofread. Thank you. :)

***

Her Cry

A One-Shot Fan Fiction for “Dyma’s Maiden”

Copyright © 2013 by TheRenaissance. All Rights Reserved.

***

“I’ll always remember those late afternoons. I don’t know how it happened but it ended so soon. In another life, I would never have the thought of leaving you. I’d stay by your side… always.”

***

Six years.

Six years of waiting in vain.

“Hay, nandito na naman ako.”

Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Basta dinala na lang ako ng mga paa ko dito sa lugar kung saan kami unang nagkatagpo. Anim na taon na rin pala ‘no?

Hindi ko rin alam kung baliw na ba ako o sadyang tanga lang para maghintay  nang matagal sa taong ni hindi ko sigurado kung naalala pa ba ako.

Naalala ko tuloy kung paano kami unang nagkakilala. Dito mismo yun sa bench na kinauupuan ko ngayon. Pero hindi ko alam kung naaalala niya pa ‘to.

**

Thursday, 10th birthday ko. Tuwang tuwa ako kasi dadalhin ako nila Mommy sa coffee shop. Bibilhan kasi nila ako ng wish kong hot chocolate doon!

Pinaghintay na lang nila ako dito sa bench kasi wala daw bakanteng upuan sa loob. Ite-take out na lang daw ni Mommy.

“Huhuhu *sniff* huhu.”

May narinig akong humahagulhol. Pagtingin ko sa likod ko, may batang lalaking umiiyak.

 Eh?

“Uy bata, bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya sabay kalabit.

Tiningnan niya lang ako nang matagal.

“Uh… nawawala ba yung laruan mo?” tanong ko ulit. Madaldal na talaga ako kahit noong bata pa lang ako.

“Nagalit kasi si ate sa akin eh… *sniff*”

Hala, kawawa naman siya.

“Eh nasaan yung ate mo?”

Tinuro niya lang yung magandang ate na bumibili doon sa bilihan ng mamahaling damit. May mga lalaki nga ring malalaki ang katawan na nakapalibot kay magandang ate eh.

“Ah… huwag ka na umiyak bata. Para ka namang bakla,” biro ko sa kanya.

Umiyak siya lalo. Waaaah. Anong gagawin ko dito?

“Ren anak, ito na yung hot chocolate mo. Hintayin mo ako dito ah, aabangan ko lang yung sasakyan ni Daddy mo,” lumapit si Mommy sa amin.

Kinuha ko naman yung hot chocolate tapos umalis na si Mommy. Pero napansin kong nakatingin yung bata sa hot chocolate ko.

“Bata, gusto mo? Sa’yo na lang oh, hindi ko pa naman naiinuman ‘to!” alok ko sa kanya.

“H-hindi na… *sniff*”

Her Cry (One-Shot Fan Fiction for "Dyma's Maiden")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon