My Ex's Wedding (One Shot Story)

653 32 12
                                    

"I, now, pronounce you, husband and wife. You may, now, kiss your bride." Pagtatapos ng misa ng pari.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ganun din ako. I was clapping when suddenly a tear came down my face.

-Flashback-

"Krystal, sabay ka na sa'min paguwi!" pagaayaya sa'kin ni Sarah.

"Sige! Sasabay kasi sana ako kina Carla, e nakakahiya naman kasi kasama yung gf niya. Haha!" sabi ko habang inaayos yung gamit ko.

"Ikaw naman kasi. Sabi ko sa'yo sa'min ka na lang sumabay, arte arte mo pa! Haha! Tara na!"

"Krys!!! Krys!!!"

Tumigil kami sa paglalakad at sabay sabay lumingon.

"Krystal, nagkabalikan na kayo ni JM?" tanong ni Riza.

Si JM nga pala, ex ko. We broke up for a non sense reason. Pero I dont know. Nung una kasi parang okay lang kasi hindi ko naman siya siguro ganun minahal, but a little part of me says that it hurts. Saka ko pa lang narealize na mahal ko na pala siya ng sobra. Lalo na nung namiss ko yung "kami".

Hindi ako sumagot at inintay ko lang si JM makalapit.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa'min.

"Can we talk?" Ewan ko sa sarili ko pero kinabahan ako. Yes, we're friends pero di ko pa din maintindihan ang sarili ko.

Tumingin ako sa mga kasama ko. "Sige, una na kayo. Kita na lang tayo bukas." sabi ko sa kanila.

"Ahh, sige. Ingat ka na lang pag-uwi! Bye!" sabi ni Sarah at sabay sabay na sila umalis.

Pumunta kami sa 7eleven. Yun kasi ang dati namin tambayan.... nung kami pa.

"V-cut at slurpy served. Hehe!" sabi niya at nilapag sa lamesa yung nilibre niya sa'kin.

Napangiti naman ako kasi tanda pa pala niya yung malimit kong inoorder dito.

My Ex's Wedding (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon