Gaano na ba katagal simula nung naging kami ni Carlo? Nung una, di ko akalaing tatagal kami ng ganito. Hindi nga sumagap sa isip ko na magugustuhan nya ako. Pero minsan na isip ko, na baka tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para makilala mo yung taong nakalaan para sayo. Sya na siguro yung taong magpapabago sayo at magbabago para sayo.
Isa na yata si Carlo sa pinakatarantadong tao na kilala ko. Sya yung typical bully. Sa kasamaang palad, isa ako sa mga nakaranas non.
ANG SIMULA NG LAHAT.
Fourth year college student na ako at kumuha ako ng kursong BA Mass Communication. Na-stereotype na yata sa mga lalaking kumukuha ng Mass Comm na mga bading. Hindi ko naman masisi ang iba kasi marami talaga samin eh bading na lantad at proud sa sarili nila. Well sa university na pinapasukan ko ay liberal ang mga tao at wala silang takot na ipakita kung anao sila. Pero siyempre, may mga iba naman na ginagawang lihin ang katotohanan. Isa ako sa mga yon.
Nag-aaral ako sa isang malaking unibersidad sa Quezon City. Sabi nila ito daw ang pinakamagaling na school. Minsan yun din yung iniisip ko, pero minsan na iisip ko din naman na pare-pareho lang naman yung tinuturo samin, sa tinuturo sa ibang school. Simula ng pumasok ako sa school ko ngayon ay na mulat ako sa iba't ibang bagay. Yung mga bagay na akala ko dati ay mali at walang gumagawa. Dito ok lang at casual lang sa mga taong na kikita ko. Galing kasi ako sa isang Catholic school. Part pa nga ako ng Campus Ministry dahil choir ako member ako. Kaya ibang iba talaga yung environment nung nagcollege ako.
High school pa lang ako ay alam ko na kung ano ba talaga ako pero hindi ko pa tanggap sa sarili ko dahil na tatakot ako malaman ng family ko. Kaya nga nung 4th year high school ako nagkaroon ako ng dalawang girlfriend at naging malaking issue pa yun dahil muntikan ko ng pasabayin yung dalawa. Siguro ginawa ko lang yun para iassure sa sarili ko na "oo, lalaki nga ako" pero wala rin na itulong yun dahil iba pa rin ang na raramdaman ko.
Sa mga panahong 'to, tanggap ko na kung ano ako. Kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Hindi kami ganun katagal, three months lang. Hindi ko alam kung anong dahilan ng paghihiwalay namin basta iniwan nya na lang ako sa ere. Wala pa kong pinagsasabihan tungkol sakin. Wala din naman kasing nagtatanong kaya wala akong dahilan para sabihin pa.
Nung nasa 4th year college ako, kumuha ako ng Dance class subject para sa P.E requirement ko. Hindi ako ganon kagaling sumayaw at ilang taon na din mula ng huli akong nakasayaw. 3rd year high pa yun. Nung nagkaroon ng faculty concert at kami ng mga classmates nagperform ng dalawang numbers.
Nakaka-intimidate pala sa subject na ito. Dahil di naman ako ganon kabilib sa sarili ko. Madalas, nakakagalaw lang talaga ako pag mag-isa lang ako kasi walang nakakapuna sa akin. Kaya nga favorite place ko ang room ko. Halos lahat ng classmates ko sa P.E ay magagaling sumayaw kasi yung iba sa kanila ay member ng dance troupe ng school namin.
May mga classmates akong lalaki sa P.E na talaga namang may itsura. Ganon din naman ang mga babae. Yung tipong artistahin ang datingan. Yung iba naman ay malakas lang talaga ang appeal pero meron isang naka agaw ng atensyon ko at member sya ng isang dance troupe. Gwapo sana, kaso halata mong suplado. Sya yung tipong kakatakutan mo lapitan.
Madalas akong nalelate sa P.E ko dahil yung subject na pinapasukan ko bago nito ay napakalayo ng building. Kailangan ko pa mag jeep para makarating sa gym kung saan yung P.E class namin. Dahil late ako palagi sa likod na ako pumuwesto. Hindi ko na pansin yung lalaking suplado ay nasa harapan ko pala.
Nag-umpisa ng magturo si Sir. Ang dami nya ng tinuturong steps kaso di ko makuha agad lahat. Kaya nagmasid masid muna ako sa mga katabi ko. Ang gagaling nilang lahat. Lalo ko nang hindi nakuha yung mga steps. Halos mabuhol buhol na yung mga binti at braso ko tapos na tatamaan ko pa yung sarili ko. Sinusubukan ko talaga makuha yung mga steps kaso di ko talaga makuha. Hanggang sa bigla na lang ako na walang ng balance at natumba.
BINABASA MO ANG
The Best Friend (BoyXBoy)
Teen FictionSa panahon ngayon mahirap na talagang mag hanap ng tunay na pagibig, dahil literal nang mapaglaro ang karamihan sa atin, aminin man natin o hindi. Sa panahon din ngayon napakarami ng mga BINATILYO at TEENAGERS ang na aakit sa M2M SEXUAL ACTIVITIES...