2. Red Days

58 5 0
                                    

Tiffany's POV

Klase nanaman. Nakaka-pagod talagang mag-aral. Second day of class palang pero tinatamad na akong pumasok, ano nalang kaya sa mga susunod pang araw?

Nag-lalakad ako ngayon sa school papunta sa building namin nang mapadaan ako sa building nila Mr. Cold Guy kaya dumaan muna ako sa room nila at hinanap siya.

Ayun! Nakita 'ko na siya, nasa pinaka-sulok ng room nila siya naka-upo at mag-isa lang siya habang nakikinig ng music. Paano 'ko nalaman na nakikinig siya ng music? Simple lang, kasi naka-earphone siya.

Loner pala siya. Kawawa naman. Transferee kasi siya kaya siguro wala pa siyang kaibigan. Gusto 'ko tuloy siyang kaibiganin. Pero siguro naman ay maraming lumalapit sakanya para makipag-kaibigan pero di niya pinapansin. Snob kasi yan. Hahaha.

Busy ako sa pagtitig sa mukha niya nang marinig 'kong nag-ring ang bell kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa room namin. Aakyat pa naman ako sa hagdanan kasi nasa 3rd floor ang room 'ko. Baka ma-late ako nito.

Pagdating 'ko sa room ay nakahinga ako ng maluwag ng pagdating ko'y wala pa pala si Sir Arpan sa room. Sino si sir Arpan? Siya yung teacher namin sa Arpan. Nakalimutan 'ko kasi kung ano ang pangalan niya kaya sir Arpan nalang ang itatawag 'ko sakanya.

Umupo agad ako sa lugar 'ko kaso wala dun si Venice. Hinanap 'ko kung nasaan siya at nakita 'ko siya  na nakikipag-usap  at nakikipag-tawanan kasama ang mga kaklase namin kaya lumapit ako sakanya.

"Venice!" tawag 'ko sakanya ngunit di niya ata ako narinig kasi di man lang niya ako pinansin.

Napansin naman ako ng isa sa mga kaklase 'kong kausap niya kaya sinabihan niya si Venice na tinatawag 'ko siya at lumingon naman si Venice.

"Maya ka na nga Tiffany. Kitang may ginagawa pa kami dito. Istorbo" sa tono ng kanyang boses, mukhang ayaw niyang paistorbo. Wow!

"Aba't ako pa ang naging istorbo ngayon? Edi wag! Kung ayaw mo, edi ayaw. Di naman kita pinipilit!" naiinis 'kong sabi

Di 'ko namalayang nakatingin na pala lahat ng kaklase namin saakin. Napalakas ata ang pagkasabi 'ko. Sumisigaw na pala ako. Tsk. Nakakahiya.

Bigla namang dumating si Sir Arpan kaya nagsi-puntahan na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase 'ko.

"Magandang umaga sa inyong lahat" -Sir Arpan

"Magandang umaga po Sir.." sagot namin pero napahinto kami sa pagbati sakanya kasi nakalimutan naming lahat kung ano ang kanyang pangalan.

"Sir Nel nalang ang itawag niyo saakin" sabi niya nang mapansing 'di namin alam ang pangalan niya.

"Magandang umaga po Sir Nel!" sabay sabay naming bati

"Okay, maaari na kayong umupo" sabi ni Sir Nel kaya nagsi-upuan na kaming lahat

Nang maka-upo na ako ay siniko ako ni Venice pero di 'ko siya pinansin.

"Tiff ba't ba ang init ng ulo mo? Napasarap kasi ang pagkukwentuhan namin kaya sinabi 'kong mamaya nalang tayo mag-usap" sabi niya pero di 'ko parin siya pinansin. Napasarap siya sa pakikipagkwentuhan sa iba tapos di niya ako sinama? Tapos ano ako, i-itsapwera niya?

"Uy, ano ba.. ba't ba highblood ka?" pangungulit ni Venice.

Oo nga nu? Ba't nga ba ang init ng ulo 'ko? At ba't ang dali 'kong nagalit kanina? Di naman ako ganun eh. Ay basta! Naiinis parin ako sakanya. Para wala kaming  pinagsamahan sa ginawa niyang yun. Tss.

Patuloy lang sa pagsasalita si sir Nel kaya tinignan 'ko ang mga kaklase 'ko at tama nga ako. Sabi 'ko na nga ba. Pag Arpan ang subject, lahat sila inaantok ang mukha

Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon