Chapter I - Bakasyon

33 2 0
                                    

Chapter I: Bakasyon

Nagising si Dave sa nadinig na humahagulgol sa banyo ng kanilang kwarto. Inabutan niyang nakaupo sa toilet seat si Jocel hawak sa isang kamay ang isang pregnancy kit.

"Negative hon, negative na naman..." Ang umiiyak na wika ni Jocel sa asawa.

Matagal ng kasal si David at Jocelyn, subalit hindi sila nabiyayaan ng kahit isang anak sa loob ng labing tatlong taon nilang pagsasama. College sweetheart sila, parehong doktor. Si Dave ay kilalang espesyalita sa mga bata, si Jocel naman ay isang obstetrician. Ikinasal sila matapos magtapos ng medisina. Pareho silang tatlumpu't walong taong gulang na kung kaya't ganoon na lang ang kanilang pagnanais na magkaroon na ng anak sapagkat delikado na ang magdalang tao pag sumapit sa edad na kwarenta ang isang babae.

Malungkot na pumasok sa clinic si Jocel nang araw na iyon.

"Bakit hindi nyo subukang magbakasyon sis?" Suhestyon ni Gina, kaklase nila sa medisina at kasamang obstetrician ni Jocel. "Masyado kayong busy ni Dave, dapat siguro mag concentrate muna kayo." Dugtong pa nito.

Kinagabihan ay kinausap niya ang asawa.

"Hon, gusto ko sanang magbakasyon." Bungad niya habang naghahapunan sila.

"Kanina ko pa din iniisip yan hon, marahil ay kailangan ng katawan mo ng pahinga. Sa Linggo, uwi tayo sa Quezon, okey ba sa 'yo?" Nakangiting tanong nito.

"Oo hon, matagal na din tayo hindi nakaka punta sa inyo." Ang matamis na tugon ni Jocel sa asawa.

Linggo, maagang nag gayak ang mag asawa. Uuwi sila sa ancestral house nila Dave sa Tiaong sa lalawigan ng Quezon.

"Yaya, pakitignan kung may nakalimutan tayo." Bilin ni Jocel kay aling Flora na yaya niya. Sa kanilang pamilya na ito nagka edad, at dahil sa hindi na nakapag asawa ay itinuring nang pangalawang ina ni Jocel.

"Naku anak, mabuti't pina alala mo, yung two piece ko ay hindi ko pa pala nailalagay sa bag, maiwan na ang gamot ko sa rayuma huwag lang iyon." Pabirong tugon nito.

"Hahaha, Ikaw talaga yaya, puro ka biro." Ang nakatawang sambit ni Jocel.

"Ready hon?" Ang naka ngiting tanong ni Dave.

"Yes hon." Ang matamis na sagot ni Jocel.

Naging maayos naman ang biyahe nila, aliw na aliw si Jocel sa bawat magandang tanawin na nadadaanan nila. Bago mag tanghalian ay nakarating na sila sa baryo nila Dave. Napakaganda ng lugar na ito, sariwang sariwa ang hangin at napaka aliwalas ng paligid. Makaluma ang istilo ng mga bahay dito, mga disenyong panahon pa ng kastila. Ang pader ay gawa sa adobe, ang bubong ay gawa naman sa tisa, at ang mga bintana ay gawa sa capiz. Nasa ikalawang palapag ang bahay, ang ilalim kasi ay imbakan ng mga kopra at iba pang mga gamit. Makaluma din ang mga muwebles, mga nara na pamana pa ng ilang henerasyon ng pamilya ni Dave. Agad silang sinalubong ni mang Berto at ng anak nitong si Lito, mga katiwala nila Dave.

"Maligayang pagdating po señorito, kumusta po ang biyahe nyo?" Ang magiliw na tanong ni mang Berto.

"Maayos naman po mang Berto, kumusta po kayo dito?" Ang sagot at tanong ni Dave.

"Mabuti din naman po, magpahinga na po muna kayo, kami na lang po ni Lito ang bahala sa mga gamit ninyo. Tamang tama din po ang dating ninyo, kaluluto lang ng paborito ninyong tinola." Ang sagot nito.

Inabutan ni Dave ang asawa na naka dungaw sa bintana ng kanilang kwarto.

"Are you okay hon?" Tanong nito habang niyakap mula sa likod ang asawa.

"Yes hon, ang ganda talaga dito, napaka presko" Sagot naman ni Jocel habang sumandig sa katawan ni Dave.

Sa labas ng bintana ay kumaway sa kanila ang kapitbahay na si Lolo Jose, ang matandang nag mamay-ari ng katabing bahay. Nasa hardin ito na tila may inaayos na mga bagay sa isang lamesa.

"Halika hon, ipakikilala kita kay Lolo Jose." At Masaya nilang tinungo ang kabilang bahay.

"Kumusta po Lolo, mano po." Bati ni Dave sa matanda.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak, eto at malakas pa naman. Mabuti naman at napasyal ka ulit dito sa atin. Kamusta ka naman?" Sagot naman nito.

"Mabuti din naman ho, siya nga ho pala, si Jocel, asawa ko po." Magalang na pagpapakilala nito sa asawa.

"Magandang tanghali po." Ang tila nahihiyang bati ni Jocel.

"Ano po ba yang mga inilalabas nyo?" Ang tanong ni Dave.

"Mga lumang gamit, naisipan kong ibenta na lang dahil sa humahakot na lang ng alikabok dito sa bahay, mahirap maglinis dahil ako na lamang ang nakatira dito. Ang kababata mong si Jun-jun ay tila ayaw nang bumalik pa dito sa Pilipinas, kinukuha na nga nila ako sa Amerika pero di ko kaya ang lamig doon." Ang walang putol na sagot ng matanda. Si Jun-jun ay apo ni Lolo Jose at kababata ni Dave, Maaga itong naulila kung kaya't si Lolo Jose ang nagpalaki at nag alaga dito.

Mga makalumang kasangkapan at gamit ang nais ibenta ni Lolo Jose, mga bagay na bagama't pinaglumaan na ng panahon ay nasa maayos na kondisyon pa din. Ang makinilyang ginamit pa noon ni Lolo Jose sa pagsusulat bilang isang mamamahayag ay kailangan lang palitan ng ribbon. Ang ponograpo na punong puno ng mga matatamis na ala-ala at nagbigay ng walang hanggang musika at kasiyahan noong mga panahong hindi pa uso ang internet. Mga kubyertos na gawa sa pilak na talaga namang hindi malalagyan ng presyo sa pagka antigo nito. At hindi mabilang na koleksyon ng mga obra ng isang sikat na pintor.

Tinulungan na din ni Dave si Lolo Jose na mag ayos ng mga ito. At habang abala sila ay napukaw naman ang atensyon ni Jocel sa isang bagay na nasa isang lamesa.



ManyikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon