Chapter 12

194 11 0
                                    

Erika Mcraine POV

Ang saya naman niyang pagmasdan sa ugali niya ngayon. At the same time nakakalungkot din.

But I'm glad na ako ang napili niyang pakitaan ng ganitong side niya.

Sa pagkaka-kilala ko kasi sakanya ay masungit, sobrang tapang, suplada, bastos at higit sa lahat ay playgirl.

Natatakot nga ako nung una sakanya dahil konting kamali ko lang noong bago palang ako sa Shop niya ay katakot takot na sigaw ang binibigay niya sa akin.

Kaya nga gulat na gulat ako ngayon dahil bago ang mga pinapakita niya.

At ngayon ko lang nalaman ang lahat ng rason ng yon. Mabigat pala pinagdadaanan niya. Pero bakit hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya baka sakaling naintindihan nila siya?

"Ha-ha!" She fake a smile. " nakakahiya..umiyak ako sa harapan mo. I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang emosyon ko." Nahihiyang sabi niya sa akin.

"You know what? Hindi naman mali ginawa mo e. Mas mabuting nilalabas mo sama ng loob mo kesa kinikimkim mo. Kaya wala kang dapat ihingi ng sorry. And I understand you Chy. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat." Ngiti ko sakanya.

Tumingin din siya sa akin na nakangiti.

"You know what? May similarities kayo ni Brieyah e. But don't get me wrong. Hindi ako nakikipag-mabutihan sayo dahil nakikita ko ang katauhan niya sayo. It's just that, feeling comfortable talaga ako sayo since the day we first hang out. Pero seriously, parehong-pareho kayo ng ugali at hilig." Para bang nangangarap na sinasabi niya sa akin.

Lalo lang naman akong napangiti sa sinabi niya. Feeling comfortable daw sa akin. What a word. So nice to hear!

Nagkwento lang siya ng nagkwento at nakinig lang din naman ako.

All these years, yon pala ang dinadala niya.

"Do you believe in forever. Like, kunwari may boyfriend ka, may forever sainyo ganon?" Tanong niya sa akin. Para siyang bata na very curious. Ang cute niya talaga.

"Uhmn, depende?" Sagot ko.

"Why??" Naka-kunot ang noo niya.

"E kasi hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend!" Pag-amin ko. Nakakahiya.


"Pfffft! Hahahahahahahahahahaha! Seriously? At your age? Hindi kapa nagka-boyfriend?" Tawa siya ng tawa. Ano bang nakakatawa sa pag-amin ko? Nakakatawa ba ang hindi pa nagka-boyfriend?

Tumango ako. At lalo lang siyang tumawa. Tch! What's the matter? Psh!



"Psh! Makatawa ka. Bakit ikaw? Nagka-boyfriend kana ba? What I mean is that,nakipag-seryosohan kana ba?" Asar talong tanong ko sakanya.


And boom! Tumahimik siya. Ha-ha!


"E di wow! Haha! Mas malala ka naman. Since birth?what the fvck?! Pftttt! Hahahahahahahahhahahahaha!" Naiinis na talaga ako. Kaya naman tumayo na ako para sana mag-walk out.


"Woiiii! Eto naman. Ngayon nga lang ako tumawa ng ganito e. Haaaaay! That was....that was great. Alam mo bang ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganon?" Siya na malayo ang tingin.


Kaya naman napa-titig ako sakanya. Na-guilty tuloy ako bigla. Tsk! Bakit ba kasi di ko naisip yon? Hahay!


Pero bigla niya akong hinila papunta sa sasakyan niya. Bago kami umalis ay nagpaalam muna siya ng maayos sa bae niya. Ganon daw niya ito kamahal. At sobrang naiintindihan ko naman siya.


Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta kasi nagda-drive na naman siya ngayon.

Chylie Jerah was moody cool. Weird right? That's the best description I can give to her.

Masungit pero matulungin at maalaga sa mga kaibigan. Mabait sa mga batang palaboy. Mapag-laro sa love. Seryoso sa business. Happy-go-lucky sometimes to the point na kaya niyang umubos ng malaking halaga sa isang gabi lang para makapag-enjoy. Hindi sweet sa mga magulang. At sobrang apektado kapag tungkol sa mga mahal niya sa buhay.


Unti-unti ko na siyang naiintindihan pero yung sa magulang nalang niya ang hindi ko pa alam. Kung bakit ganon ang pakikitungo niya sakanila. Lalo na ang Mommy niya na lagi niyang binabalewala tuwing dumadalaw siya sa shop ni Chylie.


Wala din naman akong balak magtanong dahil ayaw kong sabihan niya akong pinapakialaman ko ang buhay niya. Basta talaga sa ngayon ay nagpapasalamat ako at nagawa niya akong pagkatiwalaan.







Dyna Ponce POV


I felt guilty sa nasabi ko sakanya. Pero kelan ba siya matatauhan kung lagi nalang siya ang nasusunod?

Madaming beses na niya akong tinulungan. Madaming beses na niya akong pinagtanggol kaya ang gusto ko ay ako naman ang tutulong sakanya. Masyado na siyang nabubulag sa pagkamuhi niya sa mga lalaki.


Ako nga, oo nasaktan ako. Pero patunay lang yon na hindi pa siya talaga ang para sa akin. And I am disappointed but at the same time thankful dahil alam kong may plano si God kaya nangyari yon sa akin.


Pero siya? Wala na e. Ang gusto na lang niya paglaruan ang mga damdamin ng mga lalaki. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakanya. Baka gantihan siya ng tadhana. She's very important to me. Isa siya sa mga taong tine-treasure ko kaya, tong ginagawa ko ay para din sakanya.



"Tch!oh ano? Buti naman at natauhan kayo sa pagiging bossy ng pinsan kong bida?" Shana said. At napailing ako. Isa din itong hindi nakakaintindi minsan e.



"Yeah, pinagalitan kasi ako ni Liam na kung gusto ko daw talagang magtagal kami ay wag makinig sa iba." Si Joy.


Seriously? This two people infront me are disgusting! Nami-misinterpret nila ang pag-iwas ko kay Chy.



"Masyado kasi siyang magaling. Alam niya lahat ng bagay. " si Shana ulit.


"You know what? Kahit minsan ba na-appreciate mo si Chy? Napaka-ewan mo lang kasi e. Kung makapag-salita ka sa pinsan mo para bang ang sama-sama niya sayo. But based on my observation naman sainyo,wala namang ginagawang mali si Chy sayo. Yung totoo? Ano bang pinupunto mo?" Baling ko kay Shana dahil nakakairita na ang mga pinagsasabi niya.


"Ikaw? Ano bang pinupunto mo? Akala ko ba galit ka kay Chy kaya mo siya iniiwasan?" Sarkastikong balik tanong niya sakin.



"You don't get it! Fvck? Backstabber ka. And worst? Pinsan mong walang ibang ginawa sayo kundi puro kabutihan pero may gana ka pang pagsalitaan siya ng ganyan." Saad ki sakanya at sobrang sama ng tingin niya sa akin." Gamutin mo na habang maaga pa yang pagiging inggetera mo bago pa mahuli ang lahat Shana. Ikaw ang may mali hindi si Chy. Dahil wala na siyang ibang ginawa kundi i-please ka ng i-please. Well, gaya ng lagi mong sinasabi, hindi mo naman yon hinihingi. Pero hindi ba pwedeng i-appreciate mo nalang? Kahit minsan lang?" Sigaw ko sakanya. " and my point why I'm avoiding her was to make her realize na may pag-asa pa siyang makipag-kaibigan at magtiwala sa iba at may pag-asa pa siyang magseryoso sa love life niya. Mauuna na ako. Salamat sa meryenda." Bitbit ang bag kong lumayas sa tambayan naming apat dati.


Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon