Panimula

184 4 3
                                    

Panimula

"Jc, Kelan ka kaya babalik? yung tayo tayo lang nila Michael kasi miss kna namin." Tanong ko sa bestfriend ko. 9 years old palang kami ay artista na yang si Jc and we kinda miss him. 12 years old na kami at talagang hati ang oras niya sa work, school at saming mga kaibigan niya.

 

"Hindi naman ako magbabago Angela, magkakaibigan pa rin tayo. Wala namang magbabago dun." Sagot niya sakin sabay paalam na babalik na siya sa shooting nila.

Napabuntong hininga ako at inisip na sana makapal ang mukha ko at hindi ako ganitong mahiyain. Dapat kasabay ko siyang sumikat dahil nung nag audition siya sa isang palabas ay magkasabay kami at niyaya niya ako noon kaya lang pinangunahan ako ng hiya. Kung sana ay tumuloy ako dun edi sana matagal niya na akong napansin at sana lagi kaming magkasama.

Pabalik na ko saming bahay ng biglang may tumama sakin na bola. "Aray!" untag ko. Nilingon ko ang nakatama sakin ng bola. Isang lalaking naka basketball na jersey at running shoes, medyo chinito at manipis ang labi. Pawis na pawis siya at halatang kakatapos lang magbasketball.

"Kaibigan mo yung mokong na yun?" sabi niya ng nakataas ang kilay. Ganun! Wala man lang sorry-sorry?

"Oo. Bakit?" Nagbago ang ekspresyon niya na para bang naawa siya sakin.

"Tsk. Ang pangit naman ng kaibigan mo" nag alburoto agad ng marinig ko iyong katagang iyon. hindi ko napigilang sumagot pabalik.

"Kala mo naman ang gwapo mo. Artista kaya yung kaibigan ko na yun." pagmamalaki ko pero ngumisi lang siya at sinabing..

"Hindi porket artista gwapo na. Hindi lahat ng artista gwapo at hindi lahat ng gwapo artista" sabi niya saby kindat sakin. Umalis na rin siya sa harap ko.

AARRGH! Ang kapal ng mukha!

"BWISET!" hindi ko napigilan ang mapasigaw 

SOBRANG NAKAKAINIS!

 HINDI NA NGA NAG SORRY. NILAIT PA ANG BESTFRIEND KO!

My Fantasy Story [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon