Dream (Mark Tuan Fanfiction)
[Bea]
Kasalukuyan ko'ng inaayos ang baon ng anak ko. Papasok na kasi siya kaya kailagan nang ayusin ang pagkain niya.
"Mom!! Can you be faster?" He ask. Natawa ako sa inasal ng anak ko. Excited talaga siya. Also, ngayon uuwi ang daddy niya. Daddy niya ang susundo kaya excited na siyang umuwi, kahit nasa bahay na siya.
"Fine. Fine." Sabi ko tsaka inabot ang snack box niya. "There. Mag-ingat ka ha? Daddy will fetch you in your school." Sabi ko then hinalikan siya sa pisngi.
"Okay mom! Bye!" Lumabas na siya buhay ang bag niya and his snack box. Sumakay na siya sa kotse namin at hinatid ng driver.
Napangiti ako habang nakatingin sa labas ng bahay namin. I never expected na magiging ganito ang buhay ko.
It's been 8 yrs.. 8 years simula nung nangarap ako na mapaakin ang imposibleng mapaakin..
(flashback)
"Waaa! He's so gwapo like O to the M to the G!!!" Sigaw ni Lyka. "If I can just marry Jackson right away, I will!!"
"Me too! Si JR!" Sigaw naman ni Jelly. "I would definitely bring a marriage contract with me when I'll meet him!"
"Mga baliw kayo. Makakapunta na nga tayo sa concert eh." Sabi ko tsaka tinignan ang ticket sa kamay ko. Makakapunta kami sa First Concert ng Got7 dito sa Pinas. And I am so lucky. I have the chance to meet my love... Mark Tuan.
Alam ko'ng maraming nagkakagusto sa kaniya. Mas angat saakin. Mas maganda saakin. Mas mabait kesa saakin. Pero di ako mawawalan ng pag-asa. Sana talaga, sa simpleng pagkikita namin na yun, matandaan niya ako.
The van finally stopped in front of Lyka's auntie's house. Dito muna kami manunuluyan hangga't hindi pa concert. Para naman daw mae-enjoy namin ang Manila kahit papaano.
We are from Nueva Ecija. Kaya nga akala ko nun, walang pag-asang makakapunta ako ng concert. But my mom said, I can. Kaya ayun, first concert ng Got7 sa Pilipinas, di ko pinalagpas!
Bumaba na kami together with our bags. Sumalubong saamin ang Auntie ni Lyka. "Oh! Lyka! Ang laki mo na anak!" Bati nito kay Lyka.
Nagyakapan sila tsaka sumagot si Lyka, "Auntie naman eh! Hahaha! By the way, these are my friends, Jelly and Bea." Pakilala saamin ni Lyka.
Naghello naman kami sa Auntie niya. Mukhang lively at mabait ito. "Welcome na welcome kayo mga anak sa bahay namin! Naku! Lakas kaya saakin netong si Lyka! Hala sige! Pumasok na kayo. Magta-tanghalian na tayo!"
Napangiti nalang kami tsaka pumasok na. Malaki ang bahay. Pero hindi sobra. Ginuide kami ni Lyka papunta sa isang kwarto. Pagkabukas ng pinto, may isang malaking kama, tsaka isang foam kaming naabutan na nakaayos.
"Ako nalang sa ibaba, kayo na sa kama." Sabi ko. Inilagay ko ang gamit ko sa tabi ng cabinet tsaka tinanggal ang sapatos ko.
"Di na, mamaya sugudin pa kami ni Mark dito eh! Hahaha! Ako nalang sa ibaba, sa tutal, guest namin kayo dito." Sabi ni Lyka. Aangal pa sana ako kaso pinagtulungan ako ng dalawa. Kaya, um-oo na din ako.
-
Nag-ayos kami ng sarili tsaka naligo na din. Medyo may pagkagabi na din. Nagpunta ako sa terrace ng bahay nila. Inilabas ko ang phone ko at nagbukas ng twitter.
All I can see is their picture all over my T-List. I tweeted him saying, "GoodNight Mark! See you next week! I'm excited! #Got7ConcertInPhil"
Kahit naman na tadtarin ko pa siya ng ganyan, alam ko'ng imposibleng mapansin niyan. Isa lang yata ako sa 1 milyong nagt-tweet sa kaniya. Hay. Buhay fangirl.