Reuse
Brittany's POV
Palagi kaming masaya, walang problema at siya lang nakakasama ko at nagmamahal sa akin ng totoo't buo.
"Dinner tayo?" Brix, boyfriend ko.
"Sige! Tara! Tara!" sabi ko naman. Na e-excite nanaman ako haha.
"Tara" inakbayan niya ako at naglakad na kami.
"'San naman pala tayo kakain?" tanong ko, kanina pa kasi kami palakd-lakad eh.
Huminto siya sa paglalakad kaya tumigil din ako sa paglalakad ko.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Nanatili siyang nakatitig sa sahig habang hawak pa rin ang isang kamay ko. Kanina pa kaya kami HHWW haha!
"Ayoko na." nagsalita na din siya pero hindi ko siya ma-gets?
"Anong 'ayoko na'? Marami kayang pwedeng i-ano sa 'ayoko na'. Pwedeng 'ayoko ng kumain tayo', 'ayoko ng maglakad', 'sa iba na lang tayo kasi ayaw mo sa kakainan antin'. Specific kasi." Sabi ko.
"Ayoko na. Ayoko na Brittany."
"Huh? Sabi ko naman sayo maraming ayoko na."
"Ayoko na Brittany!" binitawan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Galit siya... p-pero bakit?
"tama na Brittany. Itigil na natiin 'to. Ayoko na."
Nangingilid na ang mga luha ko sa mga mata ko. Sana hindi iyon ang ibig sabihin niya.
"Sawa na ako." Siya.
Unti-unti nang bumgsak ang mga luha ko habang paulit-ulit niyang sinsabi s akin na 'ayoko na', 'sawa na ako'. Hindi niya baa lam na nasasajtan na ako? Hindi ko na kaya.. sobrang sakit na.
"Sawa? Diba kapag ang isang bagay ay ganun pa rin. Yung hindi nagbabago ay nakakasawa? So ganun lang ako? Sawa ka na sa akin dahil ganito pa rin ako? So kailangan magbago ako? Sige. Ngayon na ngayon magbabago na ako para sayo. Magbabago na ako mismo ngayon sa harapan mo. Kung dati mahal na mahal kita, ngayon hindi na.
"4 years! Apat na taon yun! Simula nang tumungtong ako ng college ikaw lang ang mahal ko! Sawa ka nab a na mahalin din ako? After four years nagsawa ka na din sa akin?"
"Oo! Sawang-sawa na Brittany! Sobra! Iritang-irita na ako sayo! Tandaan mo ayoko na sayo at sawang-sawa na."
Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa amin. Hindi talaga...
"Tandaan mo din ito... Babalik ka din sa akin, pero hindi mo alam kung anong mangyayari kapag bumalik ka."
After a month.....
Mahirap magmahal kung wala kang kaibigan ni isa. Dahil kapag nasaktan ka dahil sa nagmahal ka walang magco-comfort sayo sa oras na saktan ka, wala kang makaksama sa oras ng iwanan ka bigla. Wala ring magsasabi sa'yo kung dapat mo siyang paniwalaan...
"Brittany pwede ba tayong mag-usap?"
Yung boses na 'yon. Kilalang-kilala ko.
"Bakit?"
"Kasi Brittany..." pagkatapos ay hinawakan niya ang kanang kamay ko ng mahigpit.
"Gusto ko sanang makipagbalikan sayo. Miss na miss na kita at Brittany paniwalaan mo 'tong sasabihin ko sa iyo... hindi ko kayang mahiwalay sa'yo. Mahal talaga kita."
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit nakipag-balikan ako sa kanya.
Paglipas ng bawat araw parang bumabalik ang lahat. Para kaming nagsiismula sa simula. Prang nililigawan niya ako muli. Ang saya sa pakiramdam ngunit parang naglaho muli ang lahat. Umulit ang pangyayaring iyon. Ang araw ng tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
4R [Reuse Reduce Recycle Recover]
Short StoryAng pag mamahal pwede mong icompare sa maraming bagay. isa na lamang dito ang 4R. Anong mangyayari sa isang pagmamahalan kung ito'y nabawasan na? kung may gumamit ulit sa kanya? or kung may samalo na sa kanaya? o ang mas malala pa... kung naka reco...