Almost two-and-a-half hours ang biyahe papunta rito, sa lugar na matagal ko nang pinapangarap na matuntong...
QUEZON CITY.
Nandito kasi siya eh, ang lalaking lagi kong iniisip, saka alam niyo ba, one year na noong una ko siyang makilala? Kaso sa internet ko lang siya nakilala eh, sa personal, ngayon yung moment na yun.
Nandito na ako sa harap ng school nila.
"Kuya guard, saan po rito banda makikita yung mga Grade 9?"
"Diretsuhin mo yung hallway tapos lumiko ka sa kaliwa, doon sila malapit sa open space, kaso kung papasok ka, isuot mo itong visitor's pass."
"Thank you po!" sabi ko kay kuyang guard nang nakangiti.
Malapit na. Malapit na malapit na. Nalaman ko naman ang section niya agad dahil nabanggit niya iyon sa akin isang beses noong nagkausap kami sa telepono.
Nang malapit na ako sa open space na sinabi ng guard kanina, may narinig akong malakas na hiyawan at sigawan, nakakatorete nga eh. Dahil na-curious din ako sa nangyayari, tumakbo ako papalapit sa pinanggalingan ng boses. Habang tumatakbo ako, bigla kong narinig ang pagsigaw ng isang lalaki.
Nakita ko siya, nakasalampak sa sahig. Pumutok ang kanyang labi at duguan ang damit. Hindi ako makapaniwalang iyon ang madadatnan ko.
Nagulat ang lahat sa biglang paglapit ko sa kanila. Naiiyak akong tinanong ang mga taong nagtulak sa kanya sa kalunus-lunos nitong kalagayan ngayon.
"B-bakit niyo nagawa ito sa kanya? Anong ginawa niyang kasalanan sa inyo?"
"Nakakairita kasi siya sa paningin eh. Masyado siyang paepal. Marami rito ang ayaw sa kanya, last schoolyear pa. Saka sino ka ba, ngayon ka ang namin nakita. Hindi ka taga-rito 'no?"
Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang isang babae na hindi pa rin binibitawan sa pagkakahawak sa kamay. Kilala ko siya.
"Bitawan niyo si Myra, BITAWAN NIYO SABI EH!!!"
Naiiyak na si Myra, siguro dahil sa nakikita niya ang kalagayan ng kuya niya. Natakot naman ang nakahawak sa kanya at agad siyang binitawan. Lumapit agad siya sa kuya niya.
"Siguro kayo rin ang may gawa sa pagkakakulong sa kanya sa aparador sa loob ng mahigit-kumulang apat na oras 'no?"
Kanina pa ako tinitignan ng lalaking naging dahilan ng pagpunta ko rito. Nagulat siya nang marinig ang sinabi kong iyon.
Bago pa siya magsaita, pinigilan ko na siya.
"E ano ngayon kung kami yun? May magagawa ka pa ba? E sa malandi 'yang taong yan eh, alam mo bang madalas maikalat ang bali-balitang papalit-palit ng girlfriend yang taong yan?"
"Nabalitaan ko nga, pero isang taon na ang lumipas, hindi niyo ba alam ang salitang "move-on"?"
"T-teka, bakit ang dami mo namang alam tungkol sa taong yan? Mukhang kanina ka pa nga niya tinitignan na parang hindi ka niya kilala eh?"
Dahil doon, nilingon ko siya na kasalukuyang hawak ni Myra. Nakatitig lang siya sa akin. Biglang tumulo ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Hi Aldrich, Januray 28 ngayon 'di ba? Happy First Year mula ang makilala kita, kahit buong isang taong sa internet mo lang ako kilala. Ako 'to, si Loren, kilala mo na ba ako?"
Naiyak rin siya nang magpakilala ako.
Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa lalaking gumulpi sa kanya. Ngumiti ako ng sobrang tamis at sinampal siya ng malakas sa kanang pisngi. "Para sa panggugulpi mo sa kanya. Kung tutuusin, kulang pa iyan kumpara sa pagsira mo sa napakagandang mukha ng nilalang na iyan." At sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi. "At iyan, para sa pagsasabi mo sa kanya ng malandi at papalit-palit ng girlfriend. Never niyang nagawa 'yon." At dahil sa kanina pa akong nagtitimpi, sinampal ko ulit siya sa kanang pisngi, pero this time, buong-lakas na. "At iyan, para matauhan ka sa katotohanang malaki lang ang inggit mo sa kanya kaya mo nagawa ang lahat ng iyan."