Pansinin mo naman ako (One shot)

997 63 20
                                    

Miguel Tanfelix. Gwapo ka, Varsity player, Dancer, Student council President, Running for valedictorian, mabait at habulin ng mga girls. In short, Sikat. E ako? Ako lang naman si Bianca Umali. Isa lang naman ako sa mga babaeng tumitili kapag nagpe'perform ka. Isa sa mga babaeng kinikilig kapag ngumingiti ka. At isa sa mga babaeng gumagawa ng pagkalaki-laking banner kapag may Game ka ng basketball.

Wala e. Ganito talaga. Akala ko Crush lang, pero iba na pala. Oo masarap mainlove. Pero, masakit din na hindi ko maipakita sayo ang pagmamahal ko. Bakit? Dahil nga di mo ko napapansin.

Heto ako, hanggang daydreaming nalang. Nangangarap na kasama kita. Na super close tayo at alam mo ang existense ko. Pero sana nga posible yun.

Kaya nga, parati kong ginagawa ang daily routine ko tuwing umaga. Maaga akong pumapasok para lang di mo ako makita at maabutan. Naglalagay ako ng sticky note sa Locker mo. Ito ang parating nakasulat sa note ko.

Pansinin mo naman ako.

Well, alam ko na medyo imposibleng makita mo yung note ko, dahil sobrang daming letters sa locker mo araw-araw. Kaya naman, natatabunan na yung akin. Saka isa pa, imposibleng makilala mo ako dahil di ko naman nilalagay sa note yung pangalan ko o kahit code name ko manlang. Pero nagbabaka-sakali pa rin ako. Ewan ko ba. Tinamaan talaga ako sayo e.

Elementary palang Schoolmates na tayo. Yun nga lang, nasa Section A ka. Samantalang Section B naman ako. Noon pa man, iniistalk na kita. In'add pa nga kita sa Facebook e. At laking tuwa ko nung in'accept mo ko. Grabe lang. Naaalala ko pa kung paano nasira yung Teady bear ko dahil sa kakiligan ko.

Wala pa din akong nababalitaang naging girlfriend mo. Mabuti na nga lang e. Ako naman, may mga nanligaw sakin pero binabusted ko agad. Ewan? Ayoko lang naman sila paasahin e. Saka, baka iniisip ko lang na may pag-asa tayo. Kahit malabo yun.

Kaso, isang araw natigil lahat ng pagpapantasya ko. Naroon ako sa isang grocery store nun, namimili kasi ako. Matapos ko makuha lahat ng kailangan ko, pumunta na ako sa counter para magbayad. Mahaba ang pila noon. Kaya pumila ako. My heart skipped a beat noong malaman ko na ikaw pala yung nasa unahan ko. Grabe. Ang lapit-lapit mo sa akin. Kasama mo pa yung kaibigan mo. Nag-uusap pa nga kayo.

"Bro naman kasi. Ang torpe mo e! Ligawan mo na kasi si Iya! Di yung hanggang titig ka lang. Walang mangyayari sayo sa pa'ganyan-ganyan mo." Rinig kong sabi ng kaibigan mo.

"E paano nga? Nakakatorpe naman kasi Bro. Baka mareject ako e." Sabi mo dun sa kaibigan mo.

Masaya ako. Masaya dahil narinig ko ang boses mo. Pero hindi ako masaya dahil sa sinabi mo. Mayroon ka ng nagugustuhan. Masakit pala. Masakit na sayo manggaling yung mga salitang yun. Si Iya pala yung gusto mong ligawan. Well, maganda nga yun. Siya yung parating nananalo sa mga beauty contest ng School. Nakakainggit naman siya. Buti pa siya.

May sinabi ka pa pero di ko na narinig dahil lumipat na ako sa kabilang counter. Mahirap na. Ayokong umiyak ng mga oras na yun. Baka pagkamalan akong baliw.

Pagkatapos kong bayaran yung mga pinamili ko, agad akong lumabas ng Grocery store at umuwi sa bahay. Doon, inilabas ko lahat ng hinanakit ko. Nasa kwarto lang ako ng mga panahong yun. Umiiyak.

Iniisip ko na ang daya-daya ng Tadhana. Nagmamahal na nga ako, nasaktan pa ako.

Simula nun, pinilit kong layuan ka. Itinigil ko na ang paglalagay ng sticky note sa locker mo. Hindi na din ako nagpupunta sa mga performances at Basketball games mo. Iniiwasan ko na ding tignan ka. Kada magkakasalubong tayo sa hallway, pinipilit ko ang sarili ko na huwag ka ng lingunin. Kasi naman e. Ngayon, sigurado ako na di mo na talaga ako mapapansin. Ayoko ng mangarap at umasa. Ayoko ng guluhin kayo ng soon-to-be girlfriend mo.

Pansinin mo naman ako (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon