1st Side

130 3 2
                                    

CHAPTER.1-Angel.

TUCKER'S POV

"Heyy" ingit ko sa umaalog saakin at tinapik ko ang kamay nya.

"Ate gising na" boses ng isang batang lalaki.

"Ten minutes" at itinakip ko ang unan sa muka ko.

"Ate hindi kita kilala gising na po. Anong ginagawa nyo sa kwarto ko?" A little boy's voice again at pilit hinahatak ang unang ipinapantakip ko sa muka ko.

Doon ako agad na napabagon sa pagkakahiga.

Sht! Not again.

Tinignan ko ang bata at gulat na gulat ang ekspresyon nito.

"A-angel ka po ba?" Tulala itong nakatingala sakin nakasuot pa ng pajama at mukang kakagising lang.

Natawa naman ako at ginulo ang magulo nya pang buhok.

"Ahmm..*ehem* Yes? Napagod ako kakalipad kahapon para magbantay ng mga pareho mong cute na bata kaya nakitulog muna ako sa room mo. Ok lang ba?" Tanong ko sa bata. Better na sakyan ko na lang ang pagaakala nyang angel ako para malusutan ko to.

Tumango tango ang bata at nakatulala padin sa muka ko.

"Atsaka secret lang natin to ah? Don't tell your mom and dad. Sige baby alis na si ate" tumayo na ako at pinat ang ulo nya habang sinusundan nya lang ako ng tingin at tila manghang mangha.

Poor kid. Akala nya siguro nakakita na sya ng angel. I dont even believe those.

Sinilip ko naman ang bintana ng kwarto nya at medyo mababa lang yun mula sa simento sa labas at kaya kong talunin. "Bye kid" at lumabas ako sa bintana.

I don't remember anything kung pano ako napunta dun. Pero sanay na naman ako. Ilang beses na ako muntikan makulong dahil sa pag gising ko sa kung kani kaninong bahay. Muntikan pa akong makasira ng pamilya ng magising ako katabi ang lalaking may asawa buti at malawak ang pang unawa nung babae when I explained her my condition.

I'll tell you about it some other time. But now I have a part time job and I need to take a bath. Ang dungis ko at ang lagkit ng balat ko.

Nasaang lugar ba ako? Hindi ako pamilyar dito.

"Uhhm ale anong lugar po ito?" Tanong ko dun sa babae. Nung una kumunot ang noo nya pero sumagot din.

"Baranggay Sikat Araw to ineng. Hindi ka taga dito no? Ngayon lang kita nakita." Sabi nya at tila tinititigan pa ang muka ko.

"He-he hindi nga po iniwan kasi ako ng mga kasama ko dito napagtripan ata ako" pagdadahilan ko and I laughed awkwardly. Tsk lame excuse. As if I have friends.

Dali dali na akong naghanap ng masasakyan. This is far from my apartment kaya kaylangan ko pang sumakay ng jeep.

Hay nako buti na lang at 12:00 pm shift ang kinuha kong work time sa cafe na pinagtatrabahuan ko dahil nga sa kung saan saan akong lugar napupunta.

I know It's weird but I cant consult an expert about this coz I can't afford it. I'm living alone on a small apartment room. I don't have any family member coz I assume they're all dead, same with my parents.

My name is Tabitha Uej Ackerman but I prefer 'Tucker' as a nickname. I know my name sounds like a rich girl's name coz I used to be that girl. The rich and brat girl living happily with her parents on a big and luxurious mansion. But all things are messed up. I'm thankful that I'm still alive after those things that had happened on my past.

"Para po" bumaba na ako sa jeep. Wala akong dalang gamit pero wag na kayong magtaka dahil hindi ko na ihinihiwalay ang wallet ko dahil laging nangyayari to.

Agad na akong dumerecho sa apartment ko at saglit na nahiga. Nakakapagod bumyahe ng derechong kakagising lang at walang almu almusal pero this is my life at sanay na sanay na ako sa pagiging kakaiba ng bawat umaga ko.

Naligo na ako at nag bihis para sa trabaho. Binuksan ko ang TV habang kumakain ako ng almusal kong sinangag at itlog na sinamahan ng mainit na kape.

Cartoons ang palabas pero nagcommercial ng breaking news.

"Lalaki natagpuang patay sa ilog dalisay. Puno ng galos, pasa at sugat ang katawan nito at nagtamo din ng isang saksak sa tagiliran. Base sa lokal na pulis ay maaring napagtripan daw ito ng mga adik"

Kinilabutan naman ako. Malapit lang yung ilog na yun dun sa baranggay sikat araw. Buti na lang at umaga ako kung nagising dahil malamang kung gabi akong umalis dun eh napagtripan din ako ng mga adik dun. Baka marape din ako at mapatay.

Nakakatakot na talaga ang mga maaring gawin ng mga tao sa panahon ngayon. Swerte ko na lang at kahit kung saan saan ako nagigising eh ligtas parin akong gumigising.

***

A: Eto po yung first chap. I dont know if it's short kasi sa phone lang ako nagtatype but I will be updating fast kung may magrerequest. Sabog plot pa po pero marami ng ideas.

--jajabae

Six Sides of BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon