*Lissy's POV
Andito ako ngayon sa labas ng classroom namin.
Nakatingin sa mga estudyante sa ibaba na may mga dalang malalaking bag papunta sa mga classroom nila.
'Lissy!Pasok na dito.Ayos na ang classroom natin', biglang sigaw ng isa kong kaklase.
'Okay,andyan na!', sagot ko.
Pumasok na ako at nakita ang mga higaan namin na naka-circle shaped.
Nagtataka kayo kung bakit may higaan?
Hayy,ewan ko na lang.
Isa lang to sa mga pakulo ng school admin namin. Kung anu-ano ang iniisip.
Parang nagcacamping kami kaso nasa loob lang ng campus at ng classroom. Sabi nila para daw magkabonding kaming magkakaklase.
Psshhh....Hayy naku.
Buti na lang sila na ang nagprovide ng mga higaan at pillows at kumot namin. Mga ilang araw lang daw kami dito at may gagawin pang mga activities.
'Friend!Saan tayo pupwesto?', tanong ni Anna,friend ko.
'Ewan ko.Uhmmm....dito na lang malapit sa door.', sabay turo dun.
'Dyan???Basta ikaw lang dyan malapit sa door.'
'Pshhh....takot!Sige ako na dito.', Ang matatakutin talaga nya.
Well, inayos ko na ang mga gamit ko at naupo sa higaan.
.
.
Sa kabilang side ng room naman ay maingay dahil sa mga kaklase kong lalaki.
Tabi-tabi kasi sila.
Narinig ko ang sabi ng isa, 'Doon ka na lang sa tabi ni Lissy. Mukhang bakante pa'.
Hala! Tiningnan ko ang higaan sa right side ko at tama nga sila na bakante pa ito.
Bahala nga sila.
Maya-maya, lumapit si Peter sa akin at nagtanong,
'Uhmm...Lissy, pwede ba ako dito? Kasi wala ng bakante doon sa tabi ng barkada ko eh.'
'Ha? O sige...Ba-bahala ka.', sagot ko sa kanya. Nakakainis bakit ako nauutal.
Kasi naman..medyo er...crush ko talaga siya matagal na.
Lagi ko siyang tinitingnan tuwing andito sa classroom.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay bumalik ulit siya dun sa barkada niya at naglaro sa cellphones nila.
.
.
.
.
'Okay,class..handa na ang dinner sabi dun sa canteen.', sabi ng adviser namin.
Kaso parang wala masyadong pumapansin sa kaniya. Paano ba naman kasi,busy ang iba sa mga gadgets nila.
'Class!!!' At may nilabas si sir na isang box. 'Ilagay niyo dito lahat ng gadgets niyo'.
'Bakit sir???', sabay-sabay nilang tanong.
'Andito nga tayo para makapagbonding sa isa't-isa eh', paliwanag ni sir. 'Dalian niyo na!'
Wala na silang magawa kundi sumunod. Buti na lang ako walang dalang gadget.
Pagkatapos nun, may inutusan si sir na kumuha ng pagkain namin.
.
.