Chapter 35: Nico

250 10 3
                                    

Clary's POV

Baliw talaga si Bestie, umalis agad dun sa shop. Tinext ko na lang siya na bumawi na lang siya kasi maaga siyang umuwi. Pero sa totoo lang, okay lang naman sakin na umuwi siya ng maaga kasi malay mo baka busy yung tao.

Pagkauwi ko sa bahay, nagbuhos lang ako saglit ng katawan, nagbihis at saka natulog. Kinabukasan maaga akong gumasing para mag jogging. Sayang di ko kasama si Nico ngayon.

Pagkatapos ng mahigit 30 minutes na pagtakbo, umupo muna ako saglit sa tabi ng puno. Umiinom ako ng tubig nung biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko naman agad iyong sa bulsa ng short ko. I thought that it was bestie who texted me pero di pala. Si nico.

From: Nico

Hello! Morning! Clary babes gising na po. Baka tulog mantika ka pa rin diyan sa bed mo. WAKE UP!

Loko talaga tong si nico. Oo nga pala, nico is a friend of mine. Actually, suitor. Suitor for about 9 months na. Kung ide-describe mo siya, siya yung tipong lalaking pinapangarap ng mga babae. Bukod sa gwapo at mabait. Maalaga, responsable, may pangarap sa buhay, friendly, talkative, sweet at mapagmahal yang lalaking yan.

Aaminin ko, gusto ko rin siya. Aba, sino bang di magkaka-gusto sa kanya? He's the man in every girl's dream.

Pero sabi ko sa kanya, di pa ako ready na magmahal ulit. Mutual Understanding siguro pwede pa. Pero yung maging official na kami, di pa siguro ako handa para dun.

Agad ko naman siyang nireplyan.

To: Nico

Morning din po. Ayan ka na naman sa pa-babes babes mo ah. Grabe, ikaw ata tong tulog mantika eh. Di ka man lang pumunta sa opening ng shop ko kahapon. Tapos di mo pa ako sinamahan mag jogging ngayon. Kainis. Tsk tsk.

Pagka tapos kong magreply, tumayo na ako at nagsimula ulit na mag jogging. Habang tumatakbo ako biglang may nanguna sakin at nabangga ako na siya namang naging dahilan kung bakit ako nadapa.

"Aray! Ang laki ng daan kuya. Pero nakabangga ka pa ri-" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si kuya na nakabangga sakin.

"Ah-eh sorry miss. May I know your na-" di niya rin natuloy yung sinabi niya kasi tumayo ako at hinarap siya. At parehas pa kaming nagulat.

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon