CHAPTER 25 : Antagonist
CHANDRIA’S POV
Papatulog nasanakami ngayon ni Jil pero naalala ko parin yung nangyari kanina. Si Mommy at Daddy, nagawa akong ipa-kidnap?! Sariling anak nila, pinapahirapan nila?! Bakit kasi hindi sila mag-train ng mga pwedeng pumalit sakin sa negosyo?! Eh ayaw ko nga ng ganun. Gusto ko magtayo ng bake shop. Yung madaming cookies, cupcake, cake. Yun ang hilig ko.
Naiwan padin sakin yung plain ticket. Tinititigan ko nga ngayon eh. Pa’no naman kaya kung sumunod ako sa gusto nila? Anong mangyayari sakin? Sunud sunuran? Oo, ikabubuti ng buhay ko yon kasi makakapagtrabaho ako at magkakapera. Pero pa’no kung ma-bankrupt kami? Mas maganda parin yung may pinag-aralan.
Sa totoo lang, ang dami kong iniisip ngayon. Pa’no kung madamay si Lance sa problema ng pamilya namin? Kung ako pinahirapan ng magulang ko, si Lance pa kaya?
Pa’no si Jil? Alam nilang dun ako tumutuloy sa bahay nila. Pa’no kung may gawin silang masama sakanya? At pa’no kung balikan siya ng Tatay niya?
Si Tristan?
Hindi ko pa siya nakakausap simula nung nagka-aminan kami ni Lance. Sobra ko siyang nasaktan. Kaya kailangan ko siyang kausapin bukas. After class, didiretso ko sa bahay nila. Sa ngayon, kelangan ko munang ipahinga utak ko. Baka mabaliw na ko sa dami ng iniisip ko.
***
Maghapon kaming pinagchi-chismisan ni Lance sa room namin. Pinagkalat ba naman kasi ng loko yung nangyari saPalawan. Kaya abot ang congrats samin ng mga blockmates namin. Akalain daw ba na kami yung magkakatuluyan, samantalang parang aso’t pusa daw kami.
Uwian na namin ngayon at kalalabas lang room. Iniintay ko si Jil eh. Sakanya kasi ako sasabay ngayon. Bigla namang hinawakan ni Lance yung kamay ko. Holding hands ang peg namin. :”> Nginitian pa niya ko. Grabe. Ang pogi niya. =(((((((((((((( <3
“O bakit ka ngumingiti ng ganyan?” Tanong ko sakanya.
“Eh wala. Masaya lang ako satin.” Sabi niya habang nakangiti parin. Ang sweet. ^O^
“Nako. Ikaw ha? Baka sa una ka lang masaya.”
“Oo sa una lang.”
“Aray.”
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sakin at saka tumalikod sakanya. Sa una lang pala ha? Ang sakit. T_T Pero kinuha niya ulit yung kamay ko at hinawakan ng dalawa niyang kamay.
“Ikaw naman baby ko nagtampo na? Sige nga, kelan ba natapos ang UNA? Never naman natatapos yun diba? Kaya wag ka nang magtampo. Love naman kita eh.”
Shemay galamay! True ba itey? Haha! Nababakla ako pag kinikilig. Pasensya na ah? Ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganire. Nginitian ko naman siya.
“Ano? Tara? Alis na tayo?” Pag-aaya niya sakin.
“Ay yabs, teka, di pa ko nagpapaalam sayo.”
Bigla namang nag-iba yung facial expression niya. Ang moody ah.
“Sa’n ka pupunta?”
“Ah. Eh kala Tristan. Kak—“
“Ano?! Kala Tristan?! Bakit?! Anong gagawin mo don?! Sasamahan na kita!!”
Nagulat naman ako sa reaksyon ni Lance. Grabe ‘to. Selos much? HAHAHA! Pinagtawanan ko lang siya. Kaya tumalikod siya. Pumunta naman ako sa harap niya at hinawakan yung dalawa niyang pisngi tsaka kinurot. ^O^
“Nakooo. Nagselos pa oh? Kakausapin ko lang po si Tristan tapos uuwi na kagad ako. Kaya wag na magselos. Ikaw lang love ko.”
Umayos na yung mukha niya. Kinilig to! Ayaw pa umamin! Haha! Pumayag naman siya. Sinabi ko na rin na pupunta ko sa bahay niya mamaya. Sabay kami gagawa ng homework tutal blockmates kami. Pambawi ko na rin yun para di magselos. Kaya nauna na siyang umalis.
***
Nandito na ko sa bahay ni Tristan. Magkatapat lang kami sa upuan. Ni hindi siya makatingin sakin. Ganito ko ba talaga siya nasaktan? Haaay. :/
“Ah. Eh, kamusta ka na?” Ang awkward ng tanong ko. Nakaka-bobo.
“Come on Chandria. Ano ba pinunta mo dito? Kung dun kay Lance. Okay lang. Hindi ako galit. Pwede ka nang umalis.”
Tumayo naman kagad si Tristan kaya hinabol ko saka ko hinawakan sa braso niya. Pumalag siya at humarap sakin. Damn! Umiiyak si Tristan?! O.o
“Hindi ako galit Chandria! Nasasaktan ako! Etong luhang to?! Dahil sayo! Oo ang babaw ko na! Wala akong rason para magkaganito! Bestfriend lang turing mo sakin! Ako lang naman nagpupumilit sating dalawa eh! Sorry ha? Sorry kung minahal kita!”
Wala akong magawa para i-comfort siya. Kaya tinapik tapik ko nalang yung kamay niya.
“I’m sorry Tristan kung di kita binigyan ng chance. Mahirap kasi ipilit yung tayo kung wala akong nararamdaman sayo. Pero maniwala ka, pinilit kong maramdaman kung ano yung nararamdaman mo. Pero the way na pinipilit ko, mas lalong di nagwo-work. I’m sorry Tristan.”
Bigla naman akong inakap ni Tristan.
“Ipangako mo sakin na hindi ka lalayo sakin kahit naging kayo ni Lance. Subukan ka lang paiyakin non! Bubugbugin ko yung lalaki na yon! Mahal na mahal kita Chandria.”
“Promise. Di ako magbabago. Salamat Tantan.”
Pinunasan ko na yung luha niya saka nagpaalam na aalis. Dala ko na rin yung notes ko at di-diretso na ko kala Lance. Ikukwento ko nalang sakanya yung nangyari.
***
Dun ako bumaba sa kanto nila Lance. Jeep lang kasi sinakyan ko. Naglalakad na ko papunta sakanila. Medyo malapit na rin ako. May nakita akong sasakyan dun sa labas ng gate ni Lance. May bisita siguro.
Di na ko nagdoorbell. Pumasok na kagad ako ng gate. Bukas naman kasi eh. Binuksan ko na yung pintuan. At nagulat ako sa nakita ko…
“Lance? Mia?”
---------------------------------------------------------------------
Bitin! HAHA! :D Abangan sa susunod na kabanata. VOTE | COMMENT. ~ IncesDomo

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...