CHAPTER 26 : Wrong accusation
LANCE’S POV
Waaa. Ang tagal naman ni Chandria. Kanina pa ko nag-iintay dito! Baka kung ano na ginawa nung Tristan na yun don?! Nako malaman ko lang! Papatayin ko siya! Hay nako Chandria. Asan ka n—
*ding dong*
Ayon!! Baka si Chandria na. Makalabas na nga! Excited na kong makasama yung pinakamamahal ko eh! HAHA! Ang corny ko na masyado.
Binuksan ko naman yung gate at nagulat ako sa nakita ko. Isang babaeng naka-shades ang bumungad sakin. Nakasandal siya sa sasakyan niya. Inalis naman niya yung shades niya at nag-wink.
“Anong ginagawa mo dito?!” Tanong ko.
“Aww. Tinataboy mo na ko sweetie? Di mo man lang ba ko namiss?”
Papalapit na sakin ‘tong lintang to at nagtatangkang akapin ako kaya medyo tinulak ko siya kaya napasandal nanaman sa sasakyan niya.
“Ouch! Bakit mo ginawa sakin yon?! So masakit ha?”
“Bakit ka ba kasi nandito?! Umalis ka na nga!!”
Di siya nakinig sakin at pumasok pa siya ng bahay. Nakakainis naman tong babaeng to oh. Kundi lang ako mabait baka binugbog ko na to eh. Pumunta naman siya sa sala at tiningnan yung picture namin ni Chandria saPalawan. Hiniram ko kasi yung memory ng DSLR ni Jil tsaka ko pinrint. Hehe. Sweet ba?
Umupo naman si Mia sa sofa. Wow ha? Feeling at home masyado?! Hinatak ko naman siya. Eh sa kaartehan ng babaeng to. Nung hinatak ko siya, nagdiretso akap na siya sakin. Nang biglang bumukas yung pintuan.
“Lance? Mia?”
Bumungad saming dalawa ni Mia si Chandria. Nagulat ako. O.o Aalis na sana ko sa pagkaka-akap ni Mia pero bigla akong hinalikan ni Mia. Pota naman re. Linta na malantod pa. Nakakabwisit naman!
Tumakbo si Chandria kaya hinabol ko. Naabutan ko naman siya hinawakan ko yung kamay niya.

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...