Ito ako sa harap ninyo,
nakatungtong sa entablado
at may isang katanungan sa inyoIsa ka ba sa kanila?
Yung,nagmamahal kahit nasasaktan na?
Nagtitiis, Nagtiyatiyaga sa taong wala namang kakwenta-kwenta,
Sabi mo mahal mo siya, anong sagot sa'yo? tawa?
Masakit 'di ba? masakit talaga!
Lalo na at alam mong binabalewala ka lang niya.Tol, ate, may utak ka,
Panahon na para magising ka,
Natatandaan mo pa ba?
Noong nakita mo silang dalawa ,na magkasama sa ilalim ng puno ng mangga,
Na magkahawak ang kanilang mga kamay at kitang-kita mo sa kanilang mukha na silang dalawa ay masayang-masaya ,
Oo, Masayang-masaya sila sa isa't-isa,
Hindi ko alam kung sinasadya mong ipikit ang iyong mga mata o nagbubulag-bulagan ka lang talaga para hindi mo sila makita,
Masakit 'di ba? masakit talaga!
Buti pa ang kandila, nawawalan ng apoy kapag ubos na ang pasensya,
Ikaw? Tinatanga ka na nga, ginagago ka pa,Pinagbibigyan mo pa, aba malala!
At ito pa! Nawawalan ka na,wag lang siya?
Ano ka ba? Kailangan ko pa ba na iumpog ka
Sa pader ng katotohanan para iyong malaman na ginagamit ka lang niya?
Sinasabi niya lang sa'yo na mahal ka niya pero hindi talaga,
Kasi may kailangan lang siya,
Mahal ka niya kasi may kailangan siya!
Siya, ipinagmamalaki mo sa ibang tao, pero naligaw ka man lang ba sa kanyang mga salita o nabanggit manlang ang iyong pangalan sa iba?
Sa'yo, mahalaga siya, pero naisip mo ba? "mahalaga kaya ako sa kanya?"
Sa'yo, anghel siya, ikaw? tinuturing ka niyang basura.Nasasaktan ka na, nadudurog ka pero gusto mo pa,
Hindi ka ba nadadala?
Sa paulit-ulit na pagpaparaya,
Tapos siya mandadaya?
Sa mga taong hindi ako unawa,
Ilaan sa akin ang tenga,at pakinggan ang aking kanta,
Ito ay komposisyon ni Kyle Anunciacion,
Itong kantang ito ang naging inspirasyon
kung bakit isinulat ko 'tong aking tula at kung bakit andito ako ngayon,
Ito na,sisimulan ko na,kaya makinig ka."Ikaw ba yung tipo ng taong mahilig masaktan?
May love story na pang-horror ang laman.
Ang sabi mo mahal mo siya, sinagot ka ng tawa,
Ang sakit 'di ba? Ang sakit 'diba?Aba, aba naman,
Habang nasusugatan nasasarapan,
Ipapaliwanag ko sa bilang ng tatlo.Una, dapat ay sarili ba't inuna mo siya?
Dalawa, dalawa ang puso niyo kahapon yun hindi ngayon,
Tatlong beses ka nang tinatanga, nagtiyatiyaga ka pang bumalik sa una.Parang napaso ka pero gusto mo pa,
Nawawalan ka na, wag lang siya,
Ilang break pa bang kailangan? 'di ka ba nadadala ?
Kailangan ba'ng mauntog ka nang matauhan ka?
Masokista!Aba, aba naman
Habang nasusugatan nasasarapan,Ipapaliwanag ko sa bilang ng tatlo.
Una, dapat ay sarili ba't inuna mo siya?
Dalawa, dalawa ang puso niyo kahapon yun hindi ngayon,
Tatlong beses ka nang tinatanga, nagtiyatiyaga ka pang bumalik sa una."
Ngayong narinig niyo na ako,
Uulitin ko ang tanong ko sa inyo,
Isa ka ba sa kanila?
Yung, nagmamahal kahit nasasaktan ka na?
Nagtitiis, nagtiyatiyaga sa taog wala namang kakwenta-kwenta,Kung Oo.
MASOKISTA KA!
________________________________________________________________________________
salamat. :)
BINABASA MO ANG
Aking Kaisipan At iba pa
PoetryGusto ko lang i-share sa inyo ang aking tulang ito.... pagpasensyahan kung medyo magulo ang mababasa ninyo.... pero sana maunawaan at magustuhan ninyo.... (^___^)