Si Juls at Jams-One shot Story

5 1 0
                                    

Credits to: Denver Garces

My Classmate

---

Dumating na, dumating na ang pinakaaantay ng lahat ng Junior at Seniors High sa Valderama Abellano University, ang JS Prom.

Muling nagkita ang malapit na magkaibigan na sina Juliana at Jammy. Nabighani si Jammy sa gandang taglay ng kanyang kaibigan na si Juliana dahil minsan niya lang ito makita ng maayos. Tila sinulyapan lang ni Juliana ang kaibigang si Jammy at saka ngumiti.

"Hi Juls.." bati ni Jammy ngunit hindi siya nito pinansin. Nagtaas ng kaunti ang boses ni Jammy at tinawag muli si Juliana, "Ehem. Juls!"

Dahil dito lumingon si Juliana kay Jammy at sinabing "Oh, Jams, ayos pormahan natin ngayon ah. Galanteng galante" natawa na lamang si Jammy dahil sa sinabi ni Juliana.

Bigla namang nagsidatingan ang iba pang estudyante at pilit na hiniwalay ng mga kaibigan ni Jammy sj Juliana kay Jammy. Pinaupo si Juliana ng mga kaibigan ni Jammy at sinabi na magrelax muna daw siya at kakausapin lang nila saglit si Jammy. Tinanong ng magkakaibigan kung may gusto daw ba si Jammy kay Juliana, "Oo, ngayon ko lang naramdaman" sagot ni Jammy.

Pagkatapos ng pag-uusap, lumapit si Jammy kay Juliana, "Juls, ahh.. may sasabihin sana ako" tugon nito kay Juliana.

"Ano yon Jams?" Tanong ni Juliana.

"Juls kasi ano eh.."

"Ano nga?" Pamimilit ni Juliana.

"Kasi ganito yon..." di na naituloy ni Jammy ang kanyang sasabihin nang biglang may lumapit kay Juliana at inalok itong sumayaw.

Di naman nag-atubili si Juliana at pumayag si Juliana. Samantalang naiwang nakaupo mag-isa sa harap ng lamesa si Jammy.

Natapos na lang ang prom at hindi pa rin naaamin ni Jammy ang nararamdaman para kay Juliana, ang kanyang kaibigan.

---

Kinabukasan, bigla na lamang sumigaw si Juliana sa corridor ng kanilang school.

"JAMMY!" Tumakbo papalapit si Juliana kay Jammy at niyakap ito. Ngumiti na lamang si Jammy dahil dito.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kagabi?" Tanong ni Juliana kay Jammy.

"Nakalimutan ko na" sagot ni Jammy.

Lumipas ang mga araw at napapansin ni Juliana ang pagiging malungkot ni Jammy.

Niyaya niya itong lumabas para na rin mabawasan ang kalungkutan ni Jammy at pumayag naman ito agad.

"Jams, bes, may gusto ka ba sa akin?" Tanong ni Juliana sa matalik na kaibigan.

"Ha? Bakit mo naman natanong yan?" Sagot ni Jammy.

"Wala.. para kasing napapansin kong iniiwasan mo na ako sa school eh"

Hindi na nakayanan ni Jammy at bigla na lamang itong lumuhod sa harap ni Juliana sa mismong loob ng Mall.

At doon niya naipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa kaibigan.. kay Juliana.

Si Juls at Jams..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Juls at Jams-One shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon