C-5 [ Scrolling around the New House ]

12 0 0
                                    

"Haaaaaay"pag-unat ko.Ang sarap kasi ng tulog ko.Bago ako bumaba inikot ko muna ang kwarto ko.Mas malaki,mas maganda at puro sky blue yung clossets.Cloud yung design ng ceiling at all white naman ang wall na may agent posters.Tch

Meron ding bookshelf,nung tiningnan ko agent din ang story.May nabasa pa nga akong ganito:



Janet Reno

I have been surrounded by some of the smartest, brightest, most caring lawyers, by agents who are willing to risk their lives for others, by support staff that are willing to work as hard as they can.


Haisst anong mga yan??

Nagtoothbrush at naligo na ako pagkatapos.

Bumaba na ako nung mapansin kong maraming pagkain ang nakahain sa mesa,nakapaligid doon yung mga maids.

"Good Morning ma'am!"bati nila sa akin.Tiningnan ko sila ng seryosohan kaya nag-iba yung mukha nila.Bigla namang sumulpot si Esmee mula sa kusina.

"Good Morning Miss Jean!"masaya niyang bati kaya lang natahimik siya nang mapansin niya kami na ganon ang itsura.

"Ah..nakalimutan ko palang sabihin sa inyo,ayaw niyang tawagin na ma'am........kaya Miss Jean na lang".Nanumbalik naman yung mga mukha nila pagkatapos iyon sabihin ni Esmee.

"Sorry po Miss Jean"sabi nung maid na mas bata ang itsura sa kanila.

"Ako din po sorry"sabi naman nung isa pang babae.Tumango lang yung iba.Hay ewan ko sa kanila kung bakit kailangan pa nilang humingi ng sorry.I just look at them curiously asking myself why they need to surround the table. That's it.

Dumaan lang ako sa kanila at umupo sa may upuan dun sa table.

"Where's Max" tanong ko.Lumapit naman yung isang maid.

"May sinasabi po kayo Miss Jean?"hindi niya ata narinig,sabagay naman talaga ako magsalita.Inulit ko naman ang sinabi ko.Kaya lang ewan ko kung ano ang naging pandinig niya,bingi ba talaga o hinde.

"Max po??baka po si sir Marshall?"sabi niya pa.Sumulpot naman ulit si Esmee na may dala-dalang Fried Chicken.

"Anong pinag-uusapan niyo?"tanong ni Esmee.Wala ka na don pagtsismosa ka.

"Hinahanap niya si Max daw"bulong naman nung maid kay Esmee.Ganyan talaga ang mga tao ngayon ....nagbubulungan nga, rinig naman...mabuti na lang kung sabihin na lang ng diretsuhan.

Tinabig naman Esmee yung maid."Ano ka ba syem-"nagring yung telephone sa may dining kaya di ko naintindihan yung sinabi ni Esmee dun sa isa.

Tumakbo naman yung isang maid para sumagot.

"Yes?this is...blah..blah...blah...blah..Good morning"parang ganon lang yung narinig ko sa sinabi niya."Ah sorry po sir,...opo.....kumakain po.......okay good bye po.."tapos binaba niya at dali-daling tumakbo sa akin.

"Ah.....Miss Jean"hinihingal pa siya non sa pagsasalita.Hindi ko siya nilingon dahil kumakain pa ako."Sabi po ni sir Mar-ah Max may pasok daw po pala kayo ngayon,pero wag na daw po muna kayo pumasok kasi pagod daw po kayo sa biyahe kagabi"pagpatuloy niya.Napatayo na lang ako.

"Where is he"tanong ko ulit.

"Ah may inaasikaso po siya"sagot nung maid.Umupo ulit ako para magpatuloy sa pagkain.

OUR BRAVE PROTECTORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon