KENJI FUJIMA POV.
Papasok na sana kaming apat sa locker room area nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napahinto rin ang tatlo kong kasama, kaya sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking papalapit sa amin. Tulad ng dati, expressionless pa rin ang mukha niya—straight lang ang tingin niya sa’kin kaya medyo nagtaka ako. Mukhang may gusto siyang sabihin.
“Yow, Rukawa, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sendoh, pero tinignan lang siya ni Rukawa nang masama. The typical guy we know.
“May gusto lang sana akong sabihin. Alam ko may dahilan kayo kung bakit kayo nandito. Isa lang ang pakiusap ko sa inyo—don’t ever try to bring up anything about Shohoku kay Sakuragi. Nahirapan ang ilan sa amin na makuha ulit ang loob niya, kaya kung babalikan niyo pa ‘yung mga nangyari, baka ma-trigger siya at bumalik sa dati niyang pagiging cold sa amin. Please, be careful with the words you’ll throw at him.”
Napatingin kami kay maki ng ito mismo ang naunang nagsalita.
"Salamat sa paalala, rukawa. Balik din sana namin talaga siyang kausapin sa totoong nangyari, buti naagapan mo agad kaming nasabihan. Pero kung ano man iyang mabigat na pinag dadaanan niya, please. Pakisabi, bilang kaibigan na nandito lang kami anytime para sakanya." Natahimik ako at hindi nakaimik sa sinabi ni maki, after hearing those words from him, ngayon ko lang napagtanto na hindi nga pala dapat kami ganito.
"Yeah! Tulad nga ng sinabi ni Maki, nandito lang din kami para sa kanya — just in case kailangan niya ng makakausap." Saad ko. Dumilim naman ang mukha nito
“Hindi niyo na kailangan pang dapat sabihin ‘yan sa’kin. You should be the ones to tell that to him. And besides, nandito ako para sa kanya, kaya hindi na kayo kailangan." Nagulat kami sa sinabi niya, maging si sendoh ay napaawang ang bibig at pagkaraan ay ngumisi.
"Oh! Someone is jealous, mukhang ayaw niyang may lumalapit sa kanyang bestfriend." Sendoh teasingly said. Tinignan siya ni rukawa ng masama kaya natawa kami, akalain mong magiging matalik na magkaibigan ang dating dalawa na rival sa lahat ng bagay.
Umalis na ito at naglakad na palayo..
Well, I can say... Bagay silang tandem na dalawa.
_
Back to the court ~
2:05 minutes left sa 3rd quarter sa mga oras na iyon.
Tahimik ang buong gym at nag hihintay lang din sa maaaring gawin ng dalawang koponan, ngayon palang ay palaisipan na sakanila na sa susunod na laro'y makakasama na nila ang apat na kilala din na magagaling sa kanagawa.
sa loob ng gymnasium tunog ng sapatos lamang na dumudulas sa sahig ang naririnig, at ang bawat hampas ng bola sa matigas na sahig.
Pagkatapos ng huling timeout para sa 3rd quarter na yon, nagsimula na muli ang laban — pero iba na ang aura ng bawat player. Alam kasi nilang sa mga oras na iyon, nakataya sa score nila ang magiging resulta ng laban sa 4rth quarter.
Inbound ng Team B, hawak muli ni Taiga ang bola habang . Determinado siyang bawasan ang lamang ng Team A bago matapos ang quarter.
Pinagmasdan niya si Sakuragi na nasa ilalim, handang sumalubong ng depensa.
“I need to break through this time.” bulong niya sa isip, sabay dribble ng magaan, kinakalkula kung saan siya pwedeng gumawa ng daan para makagawa ng pasa sa kasama.
Nang wala siyang makitang butas na mapag papasahan.
Isang mabilis na crossover sa kanan at kaliwa — sabay step-in move papunta sa shaded area, pero bago pa siya makapasok, sumalubong na si Rukawa sa kanya na parang inaasahan nito talaga na doon siya pupunta.
Kilala ni Taiga ang depensa nito: walang unnecessary movement, puro instinct at timing. At tama nga..
Kaya agad siyang nag fake drive sabay kick-out to pass the ball kay Calvin na nasa wing — three points attempt! Kaya ng makuha ito ni Calvin, ishinoot nga niya ito subalit..
Tumalbog ang bola sa ring "rebound." Sigaw ng team A pero huli na sila dahil nandoon si Daichi para i-tip in ang bola.
