Mission 35

570K 16.6K 3.1K
                                    

Mission 35


"Mom!" marahas akong napabangon. Ngayon malinaw na ang lahat. Dati maliliit na detalye lang ang naaalala ko but now I can remember all clearly.

I can't help but to cry.


"Mom, mom. I'm so sorry, it's because of me, because of me" napahawak na lang ako sa mukha ko. Am I hallucinating? I can see bloods on hands.


"No! No!"


"Damn!" naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin.


"Hush, it's just a dream. Nananaginip ka lang Warden" Warden? I automatically raised my head.


"Aldus?" he wipes my tears using his thumb. And I wasn't able to moved when he lowered his head on me to kiss my forehead.


"WHAT THE FVCK?!" hindi ko na nahabol ang pangyayari, I just saw Aldus on the floor with his bleeding nose and Nero with his closed fist.


"Fvck you! BACK OFF ALDUS! Kami na! She's already my girlfriend!" nanggagaliiting sabi ni Nero, kitang kita ko ang pag iigting ng bagang niya. I can't move to this bed. I felt sudden weakness, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. I want to stop them.


"Tang ina mo! Sabi mo hindi mo siya gusto! Na wala kang pakealam kahit manligaw ako sa kanya! But what happened? I know she's only a challenge on you! Ako ang totoong nagmamahal sa kanya!" nanlamig ako sa narinig ko kay Aldus lalo na nang nakita ko ang reaksyon ni Nero, bigla siyang natigilan.

I'm waiting for him to look at me na tingnan niya ako sa mata na nagsasabing mali ang sinasabi ng pinsan niya. But he failed me, he didn't look at me. Napapikit na lang ako nang tinamaan ng suntok ni Aldus si Nero sa mukha.


"Now? Natigilan ka pinsan? Just set her free.. you can't make her happy! Your love is fucking fake" ngayon ay pinapahid na ni Nero ang dumudugo niyang labi.


"Tang ina mo! Wala kang alam" mabilis nakalapit si Nero kay Aldus at nasuntok niya ito sa panga. Panay silang dalawa sa pagsusuntukan, kung may bumabagsak ay agad din namang bumabangon para makabawi. Hindi ko kayang tagalan ang panunuod sa kanila.


"Stop" mahinang sabi ko. They can't hear me.


"Stop" hindi ko alam kung bakit hindi ko malakasan ang boses ko.


"Please, stop"


"Shit!" natigil lang sila nang dumating sina Tristan, Owen at Troy. Agad lumapit ang mga ito sa kanilang pinsan na nagkakasakitan na, kanya kanya sila ng pigil sa dalawa.


"Tang ina anong meron?" naguguluhang tanong ni Troy habang pinipigilan si Aldus.


"Damn! Bitawan mo ako Troy" pagpalag ni Aldus.


"Anong nangyari? Ano na naman ang pinag aawayan nyo?!" iritadong tanong ni Tristan na nakapagitan sa dalwang nagsusuntukan kanina. Habang si Owen naman ay hawak si Nero na nagpupumiglas rin.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon