Halos mabaliw na sa kadugyutan at kaburaraan ng fangirl na si Audrey ang roommate niyang drummer na si Zeke. Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng maging ka-roommate, siya pa. Maliban sa kalat, idagdag mo pa ang gabundok na N' Sync at One Direction posters ng fangirl na ito na nakadikit nang collage-style sa dingding ng kwarto nila. Mapunta kaya sa pagpapalayas kay Audrey ang pagkabanas ni Zeke? O mauwi na 'to sa espesyal na pagtingin?