Chapter 1: Cursed
Mia's POV
"Miaaaaaaa! Miaaaaaaa!"
Hay...
"MIA!"
"Ay bakla!"
"Ouch! Nasaktan ako ha," pagmamaktol niya sabay patong ng kamay sa dibdib.
"Ulol! Haha!"
Natawa naman si ako. Kausap ko ang aking baklang bff na si Cole Anthony Rivera. Best friend since luwal ko yan. Nasa rooftop kami. Nilock na lang namin yung pinto para secured ako.
"Teka lang sister ha. Bakit ka ba tulaley dyan? Bagong boylet?! (*0*)" Ang landi talaga nito.
"Hindi ka na nasanay, Cole," buntong hininga ko.
"Coleen sabi ang name ko. Well, anyway, akala ko ba okay na? Natakpan na, di ba?"
Siguro nagtataka kayo kung ano ba yung topic namin. Well, sabihin na lang na isa akong babae na may diperensya. Uy! Hindi sa utak ha! Dati diperensya lang pero habang tumatagal nagiging sumpa na.
Madami kasi ang humahabol este naghahabol saking mga lalaki Hindi naman ako masyadong maganda na pang-artistahin. Pangcampus cutie lang ang ganda ko. Haha.
Pero...
Yung mata ko kasi...
Medusa ang peg.
Sabi nilang mga lalaki, kapag tinititigan nila ang mga mata ko, sobrang magical at nakakainlove daw. Pagkatapos nilang makipagtitigan, magtatanong sila kung pwedeng manligaw or much worse, magpakasal! Nung una, okay lang. Nakakaflatter yung araw-araw kang binibigyan ng flowers, chocolates or stuff toys pero habang tumatagal, nakakainis na. Alam mo yung feeling na sinusundan ka nila kahit saan ka magpunta.
Tapos sa sobrang dami nilang binibigay, hindi ko na malaman kung saan ko ilalagay. Muntik pang magkadiabetes si Yaya Annie dahil sa kakakain ng chocolates. Minsan, nagbakasyon sila Mama at Papa dito sa Pilipinas dahil sa Japan sila nagtatrabaho, sa kumpanya namin na Asuka Marketing Company. Pagbukas nila ng kwarto ni yaya, nalunod sila sa stuff toys.
Pinatingin na nila ako sa family doctor nung bata pa lang ako. Sabi ni doc, normal daw ako pero yung pheromones na nainherit ko sa parents ko napunta halos lahat sa mata ko. Huwaaaaat?! Ansaveeeeeeh! Buti nga hindi tinatablan ang mga kamag-anak kong boys kung hindi, magkakasala ako.
Anyway, 1st year ako ng napagkasunduan namin na takpan na lang ng glasses yung mata ko. Hindi pala. Shades, yung tinted at. aviator shades pa! Kinausap na lang nila yung principal ng school ko at pumayag naman siya. Pauso pa tuloy ang peg ko sa school. Madami ang nainggit pero di pinayagan ng P-pal. Wala daw reason. Kumonti naman yung naghahabol pero yung iba napakakulit! Nakakasawa na e!
"Gusto ko ng peace! Yung normal na buhay," frustrated na sabi ko.
"Edi lumipat ka ng school," absent-mindedly na sabi ni bakla habang kumakain ng pocky sticks.
"E loko ka pa---! Omayghad! Sister, tama!", sabi sabay yugyog sa balikat niya.
"A-ano ba! Beauty ko naaalog!" Tinigil ko naman. "Balahura ka talaga Mia! Hanapin mo beauty ko! Nawala! Ahuhu---aray naman!" Binatukan ko kasi.
"Cole! Seryoso. Lumipat tayo ng school. Ending na ng sophomore year natin kaya sa ibang school na lang tayo mag-junior."
Nagcross-arms siya, "Bigyan mo nga ako ng magandang explanation, yung mas maganda pa sakin ha."
"(^_^) Ang dali lang naman maghanap ng magandang rason kung ikaw lang ang---aray!" Binatukan din ako ng GB na ito! (Green Blooded)
"Dali na kasi!"

BINABASA MO ANG
Meeting His Eyes
RomanceI wan't peace. No, I wan't to live a normal life, away from all these admirers, away from this curse. How could I find love, genuine and true love, if I cannot stare at them? I cannot stare at those eyes, his eyes. Of all the difficult things in thi...