Andito kami ngayon sa libing ni Lolo Tonio. Madalas na magkwento sa akin si Lolo dati. Bata pa ako nun at sobrang hilig kong mangalikot ng mga gamit sa bahay ng lolo. Minsan nang nangagalikot ako ng mga libro ni Lolo ay nakakita ako ng isang larawan ng isang babae. Halatang luma na yung larawan kasi kulay brown na at medyo malutong na.
"Lo, sino po to?"
"Ayan ba, siya ang unang nagpatibok ng puso ko."
Walang asawa si Lolo Tonio. Kapatid siya ng lola ko na mama ni Papa. Ang sabi sa akin ni Papa ay hindi na daw nakapag-asawa pa si Lolo dahil sa pagkabusy sa career at dahil narin sa katandaan.
"Alam mo ba, apo, palihim ko pang kinuha ang larawan na yan. Ako ay nasa kolehiyo na ng panahon na yan. Hilig ko ang magdala ng camera at kumuha ng mga magagandang tanawin."
Isang dating photographer si Lolo at halata naman yun sa dami ng mga camera na nakadisplay sa bahay niya.
"Lo, kaibigan mo ba siya? Panu kayo nagkakilala?"
"Sa totoo lang, napadaan lang ako sa lugar kung san ko 'to kinuhaan. Unang tingin ko pa lang sa kanya, namangha na ako sa angkin niyang kagandahan. Ang sabi ko sa sarili ko, kailangan ko siyang makuhaan ng litrato."
Habang nagkukwento si Lolo ay bakas sa kanyang labi ang kasiyahan mula sa ala-ala ng babae sa litrato.
"Pagkatapos ba nun, Lolo, eh nilapitan mo siya?"
"Ang lolo mo noon ay may pagkamahiyain. Wala akong nagawa kundi tumitig mula sa aking kinatatayuan."
"Nagkita pa po ba kayo ulit?"
"Nakita ko pa siyang muli pero hanggang dun lang ako. Nakuntento na ata ako sa hanggang tingin na lang. At sa aking kakatingin eh nahulog na ata ako ng tuluyan."
"Sayang naman po. Sana kinausap niyo po siya. Edi hindi niyo po nalaman ang pangalan niya? Nasa iisang school pa naman kayo. Sayang."
"Pinanghihinayangan ko din yan, apo. Sadyang mahina talaga ang loob nitong lolo mo e."
Bakas sa mata ni Lolo ang panghihinayang at kalungkutan.
"Hindi niyo po ba siya kinausap man lang?"
"Hindi apo eh. Hinayang na hinayang ako na hindi ko siya nilapitan man lang. Lumipas ang mga araw at hindi ko na siya nakita muli. Nilibot ko ang buong unibersidad, araw-araw, ngunit wala na talaga siya."
"Nakakalungkot naman po. Eh kung nakita niyo po ba siya kakausapin niyo na?"
"Hindi ko rin alam, apo. Maraming bagay ang sana ay nagawa ng lolo mo pero nagpatalo ako sa hiya at takot na hindi mapansin."
Yan yung kwento ni Lolo na hinding-hindi ko malilimutan.
"Renz, iho, halika dito at may iniwan para sayo ang Lolo Tonio mo." Pinapalapit ako ni Lola sa kanya at may inabot siyang isang box.
"Kasama yan sa huling habilin ng Lolo Tonio mo."
Binuksan ko na agad yung box at may laman yung isang piraso ng papel at isang lumang camera.
"Anong nakasulat sa papel, Renz?"
"Renz, apo, wag kang tutulad kay Lolo. Kapag nakita mo na ang babaeng nagpatibok ng puso mo, kunan mo siya ng litrato at wag mo ng papakawalan. Better make a move and fail than do nothing and regret it for the rest of your life. "
Isang lumang camera na diretso print ang binigay ni lolo. Hindi ako marunong gumamit nun kaya nagpatulong pa ko sa klasmeyt ko na expert sa camera.
"Salamat tol ha! Bawi ako sayo next time. Oh sige, mauna na ko at dun pa sa kabilang building ang klase ko."
Naglakad na ko papunta sa kabilang building habang hawak-hawak ang lumang camera ni Lolo. Napadaan ako sa quadrangle namin at may tumutugtog sa may stage.
(Lyrics of Picture Picture by Tanya Markova)
Picture picture ohh...
Picture picture
Picture picture ohh...
Nang gabing masilayan ka...
Dala-dala ko pa
Ang aking lumang camera
Picture picture ohh...
Picture picture
Habang naglalakad ako at nakatingin sa tumutugtog, nakuha ang atensyon ko ng isang babae na andun at nakikinig.
Picture picture ohh...
Campus gig noon at nag-aya ang tropa
Maraming bebot ang nagsasayaw
Nang biglang mapansin kita
Napaka-inosente niyang tingnan at ang ganda niya habang nakikinig at nakikisabay sa kumakanta. Inangat ko ang camera ko at balak kong kuhaan siya ng picture. Nakafocus ang mata ko sa maliit na screen sa kamera ng bigla siyang humarap at sakto pagkakuha ko ng picture ngumiti siya.
What a beautiful face
At kinunan kita
What a beautiful face
Angat ka sa iba
Picture picture ohh...
Picture picture
Picture picture ohh...
Picture picture
What a beautiful
What a beautiful face
Lumabas na ang picture sa camera at ilang segundo lang ay nakita ko na ang picture niya na nakangiti sa akin..
*dug-dug dug-dug dug-dug*
What a beautiful face
O nasaan ka na
What a beautiful face
Hinahanap-hanap ka
Picture picture ohh...
Picture picture
What a beautiful
What a beautiful face...
"Sino kaya siya?"