The Sign. . .

171 5 16
                                    

Sabi nila, hindi daw normal sa isang babae ang magkaroon ng lalaking kaibigan. Sabi ko naman, walang masama sa pakikipagkaibigan, tao rin sila, minsan mabait, minsan sobrang kulit.

Nagsimula ang lahat noong 1st year college kami, second sem nun. Meron nanaman mga bagong kaibigan, bagong kakulitan, at bagong kasama sa araw-araw. Ilang linggo na ang lumipas nung una ko siyang nakilala. Itago nalang natin siya sa pangalang Mr. M. bihira ko lang siya mapansin sa classroom noon, pero ng dahil sa isang mutual friend nakilala ko siya ng lubusan. Paglalaro ng scrabble ang pinakauna naming bonding, marami kami nung time nayun. Ewan ko ba, pero nung oras nayun, kami ang magkatabi kaya kami ang nagging mgakapartner. Hanggang sa mga sumunod na araw, siya ang katabi ko, minsan pa nga, pagdating na pagdating ko tinatabihan na nya ako kaagad. Haaaay! Sa mga panahon na iyon, wala namang pumapasok sa utak ko kung bakit sya ganun. Ilang araw, lingo, at buwan na rin ang lumipas, nagging mas malapit pa kami. Hindi ko pa alam ang number nya noon, at humingi ako kay lord ng sign. “Lord, kapag nalaman nya po ang number ko sa linggong ito na hindi nanggagaling sa akin, magiging mas malapit pa po kami sa isa’t isa.” Wala akong sinabihan ng sign na iyon. Makalipas ang ilang araw, nauso sa grupo namin ang pag tawag sa cellphone. Hindi ko alam kung kaninong number iyon, kahit sagutin ko ang tawag niya, wala namang nag sasalita. Nahuli ko lamang na siya yung tumatawag noong oras na may klase kami, at katabi ko siya. Tinatawagan niya ako pero wala paring nagsasalita (hindi naman siya pipe, bakit kaya?!). hanggang sa inamin nya na kanya nga ang number na iyon. Naalala ko ang sign na hiningi ko. Totoo nga!

Nagging mas malapit pa kami sa isa’t isa. Masaya ako sa tuwing nakikta, nakakasama at nakakausap ko siya. Sa araw-araw na online ako sa facebook, hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi kami mag usap. Napapasaya nya ako sa araw-araw. Minsan sabay din kami kumain at umuwi. Grabe! Ang sarap sa feeling ng may kaibigang lalake na lagging nandiyan at handang umalalay sayo. Pakiramdam ko noon safe ako. Tinatanong na din nya kung kumain na ba ako, o sino ang kasama ko. Marami nang nagbago nung mga panahong iyon, pakiramdam ko, gusto ko na siya! (Can this be love?).

Pasko na! at wala paring nagbabago sa samahan namin, ganun parin, kulitan, asaran, at minsan kwentuhan. Natakot na ako nung dumating ang Christmas break. Baka kasi magbago ang lahat, sayang naman yung pinagsamahan namin, kung kalian magaan na ang loob ko sakanya saka pa ba magbabago ang lahat? Ayaw ko lang naman mawala ang pinagsamahan namin, na magbago ang lahat at magsimula ulit sa pagiging strangers. January, tapos na ang maliligayang araw namin, at balik nanaman sa mga araw na malupit ang pagaaral. Bumalik din naman ang maliligayang araw namin kasama ang isa’t isa. Na enjoy namin ang bawat araw. Tuwing exam, tinutulungan pa niya ako mag ara, at magkabisado ng mga dapat naming kabisaduhin. Pakiramdam ko siya ang inspirasyon ko. Pakkiramdam ko kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakasama. Sa araw-araw na ginawa ni Lord, hindi naman nagbago ang pakikitungo namin sa isa’t isat. Yung pakiramdam na, konting push pa nasa next level na tayo. Hindi naman kami nagmamadali eh, pero yung pakiramdam na masaya ka sa kung nasaan at kung ano ang kinalalagyan ng “friendship” niyo ngayon. Yung alam mong pareho naman kayo ng nararamdaman kahit hindi niya sabihin.

Summer Break. Natakot nanaman ako, kasi baka lalo siyang mawala sakin (kahit hindi naman kami).  Baka kasi hindi kami maging classmates. Nagdasal nanaman ako nun at humingi ng sign. “Lord, kapag nagging classmate kop o siya ngayong taon hindi nap o kami talaga magkakahiwalay.” Lumipas ang mga araw at hindi ko na siya nakakausap o kahit chat manlang. Hinayaan ko nalang ang mga pangyayari at inisip nab aka sakali sa pasukan bumalik lang ulit ang lahat sa pagiging close namin.

June. Unang araw ng klase. Nagging classmate ko nga siya! Ang saya saya ko nun! “Thank you so much lord! Sobrang thank you po.” Okay naman kami nung mga unang buwan. Paglipas ng mga tatlong buwan, nag iba na ang lahat, pakiramdam ko umiiwas na siya saakin. Isip ako ng isip kung bakit. May nagawa ba ako o may nasabi ba akong hindi niya gusto?! Hanggang dumating sa araw na naitanong ko sakanya.. “ bakit parang hindi na tayo masyadong nakakapag usap ngayon, no?” isa lang ang sagot nya saakin.. “ mood swings?” Kinabahan ako, baka ayaw na talaga niya akong kausapin. Nagtanong ako sa aking super friend na si Madam S. “Madam S! normal lang bas a mga lalake ang ganun? Pati ba sila may mood swings?” ang sagot sakin ni madam ay.. “ Baka naman may problema lang siya, or baka wala lang talaga sa mood makipag kulitan.” Naisip ko, baka nga. Ilang linggo din ang lumipas, at nagka ayos ulit kami. Masaya na ulit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sign. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon