Ang istoryang ito ay nagpapatunay ng pagpapatawad at pagmamahal sa isa't isa. Pagkakaibigan na magpawalang hanngan at minsan pa'y sinubok ng pagkakataon...
Isang umaga, naglalakad ang batang si Nemo sa magulong Lungsod ng biglang may bumangga sa kanya. Sa lakas ng pagkakabangga ay halos matumba siya rito.Sapo ang ulo ay tiningnan niya kung sino ang batang bumangga sa kanya.
Sa kasamaang palad ay si Carlo pala ang nabangga niya. Isa sa pinakasiga sa lugar na iyon. Nagngingit-ngit ito sa galit nang tangnan niya. Bigla siya niton sinuntok ng pagkalakas lakas at di p nakuntento ay agad naman siya sinipa ulit.
Halos matumba siya ng pagsusuntukin siya nito. Halong galit at awa ang nadarama niya noong mga oras na iyon. Walang magawa ang mga bata roon dahil takot lahat sila kay Carlo.
Halos mawala na ang ulirat niya dahil sa sakit. akma sana siyang susuntukin ulit nang may biglang sumuntok mula sa kanyang likuran. Napaluhodsi Carlo sa sobrang sakit. Sinamantala naman ng bata ang pagkakataong iyon upang ilayo ang kawawang bata sa lugar na iyon.
Napag alaman ni Nemo na ang pangalan pala ng batang tumulong sa kanya ay Boboy.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Boboy.
"Oo, Salamat nga pala." mangiyak ngiyak na tugon ni Nemo.
Napag alaman ni Boboy na nag iisa na lamang pala si Nemo sa buhay. Nakadama siya ng awa sa batang si Nemo. Simula noon pinayagan nalang niyang sumama sa kanya ang batang si Nemo.
Ilang taon na ang lumipas ay kapwa binatilyo na ang dalawa. Kapatid na ang turingan nila sa isa't isa. Hanggang may masaklap na nangyari...
Isang Gabi, naglalakad silang dalawa sa isang madilim na iskinita nang may biglang may akma sanang sasaksak kay Boboy. Ngunit naharangan iyon ni Nemo kung kaya't siya ang nasaksak. Agad namang tumakbo ang suspek.
Nagulat si Boboy sa mga nangyari. Wari ay kaybilis ng lahat ng iyon. Bumagsak sa kanyang harapan ang duguang si Nemo habang sapo ang dibdib na umaagos ang kanyang sariwang dugo mula sa pagkakasaksak sa kanya.
Gulat at parang wala sa sarili si boboy na lumapit sa duguang si Nemo. Hindi na niya namalayan na lumabas na pala ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
Matinding hinagpis at pagdurusa ang kanyang nadarama sa mga sandaling iyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari iyon ay makapaghiganti sa pumatay sa kanyang matalik na kaibigan at kapatid na si Nemo.
Sa araw ng libing ay napag alamang si Carlo pala ang lalaking akma sanang sasaksak sa kanya. Gusto pala nitong makaganti sa pagsuntok noon ni Boboy sa kanya.
Ilang buwan rin ang nagdaan ay hindi parin naaalis sa kanya ang matinding poot at paghihiganti buhat ng insidenteng iyon.
Habang naglalakad siya ay may nakita siyang lalaki. Di siya maaaring magkamali! Kilalang kilala niya iyon! Matinding poot at galit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon lalo na nang makumpirma niyang si Carlo na nga iyon.
"Matagal din akong naghintay! Sa wakas mapaghihiganti na rin kita!" galit na sinabi ni Boboy sa sarili.
Sinundan niya kung saan ito pupunta. Laking gulat niya ng mapansin niyang papunta ito sa Sementeryo mas nagulat pa siya noong huminto ito sa puntod ng kaibigan niyang si Nemo at pagkatapos ay lumuhod. Ito ay umiiyak at humihingi ng kapatawaran sa maling nagawa niya rito.
Mula sa kanyang pinagtataguan ay bigla siyang napaluhod. Bigla nalang nawala ang matindi niyang galit at poot na nagmumula sa ginawa ni Carlo.
Alam niya na masaya na ngayon ang kaibigan niyang si Nemo lalo na't kapiling na nito ang pamilya niya pati narin ang Maykapal.
Wagas na ligaya ang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon. Hindi na pala niya namamalayan na bumubuhos na ang masaganang luha mula sa kanyang mata dahil sa sobrang saya.
Linisan na niya ang lugar na iyon. Kasabay ng paglisan niya ay naniniwala siyang wala narin ang poot at galit na noon ay sumakop sa kanya.
Isang masaya at puno ng pag asa ngayon ang kakaharapin niya sa buhay. Alam niyang hindi pa ito ang katapusan ng mga problema na kakaharapin niya subalit hindi siya natatakot na humarap dito.
Sa pagkat alam niyang sa huli PAG-IBIG at PAGPAPATAWAD parin ang mas mangingibabaw.