SASKIA'S POV
Shete naman oh. -.- Eto na. Araw na ng kamatayan ko. Actually ghost na ako ngayon. -.- Pero joke lang. Kakasimula pa nga lang ng story patay na agad ako. Tsk. Ano ba yan. Kinakabahan ako. Kaloka naman talaga oh.
Nasa backstage ako ngayon. Lahat kasi kami na performers nandito ngayon. Tumingin ako sa mga kasama ko. May ibang naka'costume ng pangfolk dance, may panghiphop, may solo group, iba-iba. Nasa sulok lang ako ngayon habang hawak-hawak ang gitara ko. Paano ba kasi ako napilit sumali dito. Ahh oo. -.- dahil sa magaling kong kaibigan. Naubos lahat ng powers ko kakakumbinsi kay Ms. Fabro na ayaw ko talaga magpresent pero wa epek. Alangan naman daw na si Crystal ang pakantahin. Gusto ko ba daw makitang gumuho ang buong social hall pag kumanta na yung si Crystal. Pft. Actually, Ms. Fabro is not exagerating. Sadyang pangit lang talaga boses ni Crystal. Pero hanga ako sa guts nun ah.
So ayon. Sadyang no choice ako. Kailangan ko talaga sumali. Okay na rin to kasi sabi ni Ms. Fabro pag pumayag daw ako may extra points ako. Swak na rin. Yun nalang pinanghahawakan ko kaya hanggang ngayon nasa backstage parin ako. Kung wala yun siguro nasa bahay ako ngayon faking some kind of sickness. LoL. :D (evil laugh)
Simula din ng nangyaring pagkalat ng video ko sa buong campus ay marami ng nakakakilala sakin. Dyahe nga eh. I like my college life peaceful and simple. Hindi ganito. Yung kada daan mo sa hallway, may mga matang nakasunod lage may iba pang hindi ko kilala pero ngingiti at tatawagin pa pangalan ko. Tsk. Ano ba kasi nakita nila dun sa video eh ampangit naman ng boses ko.
Sabi ng organizer kanina, pangsampu daw ako. Kasunod daw ako nung isang banda. Oblivion ata yung name. Kaya habang naghihintay, practice lang muna ako.
REICHEN'S POV
Nag-aayos kami ng mga gamit namin sa backstage. Ngayon kasi yung convocation. Habang inaayos ko gitara ko may napansin akong babae na nasa sulok. Yun ata yung nasa video eh. Hmm. So magpeperform pala siya ngayon. Ano na naman kaya kakantahin niya. Habang nakatitig aa kanya narealize ko na maganda pala siya. Simple siya pero may dating. Pero parang nakita ko na talaga siya.
"Hey! Ba't nakakunot yang noo mo dyan Ken? Any problem? Sino ba tinitigan mo? " nilingon ko si Kale. Pilit niyang sinusundan kung san ako nakatingin. Bago pa niya makita sino tinitingnan ko hinila ko na siya.
"Wala. May inaalala lang ako." Sabi ko sabay upo sa isang chair dun.
Nagkibitbalikat lang siya. "Ganun ba. Anyways, musta yung solo mo? How's it going? Napractice mo na ba yung song? Yung Ngiti? "
Napatigil ako sa sinabi niya at napalingon ako bigla dun sa babae na nasa sulok kanina. Ngiti. Tama. Naalala ko na. Kaya pala parang familiar siya.
"Hoy! Langya. Spaced out kana naman. Nakangiti ka pa talaga. Hala. Para kang ewan Ken. " nilingon ko si Kale. Nagkibit balikat lang din ako sabay ngiti. Napakamot nalang siya ng ulo niya.
"Wala. Tara. " sagot ko nalang. Ano ba nangyayari sakin. Tsk. -.-
SASKIA'S POV
Sumampa na ng stage ang mga next performer. Nako. Pagkatapos nila, ako na. I'm about to face my doom. Sunod-sunod na sumampa ng stage ang limang lalaki na mga gwapo naman. Yeah, I hate boys but babae parin naman ako nuh. Alam ko parin kung anong gwapo at pangit.
Maya-maya pa, narinig ko nang ini-introduce sila ng emcee. Oblivion Band daw. Infairness, maganda naman yung name. Wala masyadong arte.Sumilip ako sa stage para panoorin sila. Nacurious kasi akong malaman kung anong genre ang tinutugtog nila.
Halos matumba ako ng may parang kung anong humila sa mga paa ko. Pagtingin ko, wire pala. Hinihila sa kabilang dulo ng isang member ng banda nila. Langya. Muntikan na yun ah. Tsk.
"Ay sorry miss." sabi niya. Tumango lang ko. Tinanggal ko yung paa ko sa pagkakabuhol dun sa wire na hawak-hawak niya. "Tulungan na kita."
"Di. Ok lang." sabi ko. Nang matapos ako, napansin ko'ng nakatingin siya sakin. "Bakit?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ahh. Teka! " sabay turo niya sakin. Nabigla naman ako. Ano problema nito? "Ikaw yung nasa video diba?" Sus. Akala ko naman kung ano na. Ang lapad ng ngiti niya habang naghihintay ng sagot ko. Tumango lang ulit ako. Ngumiti ulit siya. "Astig!" sabi niya.
Napalingon naman kami pareho ng may sumigaw. "Hoy Kale!" Tinatawag siya ng kabanda niya. "Yeah.Yeah." Sagot lang niya staka nagpaalam na saakin at umupo dun sa harap ng drumset. Di kalaunan, nagsimula na silang magpakilala isa-isa. Unang nagsalita yung vocalist nila. Siya yung nahuli kanina.
"Hi." Hiyawan agad lahat. Para hi lang eh. Tsk. Ngumiti siya. "Kami nga po pala ang Oblivion. Ako po si Ken, vocals po" Hmm. Nice name ah. Bagay kay Barbie. Lol. Joke yun. Tawa kayo. -.-
"Enzo, lead guitars." sabi nung lalaking nasa kanan na nakaputing shirt na pinatungan ng black leather jacket at nakafaded black skinny jeans. Badboy ang dating. Mysterious type kumbaga. Ngumiti lang siya ng tipid.
"Liam, basist." Sunod na nagsalita yung lalaking naka dark blue na long sleeves na tinupi ang manggas hanggang siko. Nakafaded black shorts na hanggang tuhod ang haba. Ang cute niya ngumiti.
Next na nagpakilala yung nasa keyboards. "Kale here." sabay kaway staka kindat. Naka black skinny jeans siya siya gray na shirt. Mukha siyang masayahin staka playful na tao. Ang lapad kasi ng ngiti niya.
Last na nagpakilala yung bumangga sakin kanina. "Hey there. Im Drei on drums." Ganda din ng name niya. Suits him. Naka-black na sleeveless shirt siya. Yung parang sando tapos nakablack shorts din. Yung buhok niya yung kulot na medyo mahaba. Ang cute.
Sobrang ingay ng social hall. Pagkatapos nila magpakilala, tumugtog na sila.
BINABASA MO ANG
Will Love Be Enough?
Novela JuvenilHow long can you stay and fight for the one you love? How far can you go to save your relationship? Will you still fight even when he deliberately pushed you away?